Katarungan sa pagguho ng landfill sa Davao city, apela ng IDIS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,357 total reads

Nanawagan para sa mas ligtas, makatao, at mahigpit na pamamahala sa basura ang Interfacing Development Interventions for Sustainability (IDIS) kasunod ng panibagong insidente ng pagguho ng sanitary landfill sa bansa.

Sa pahayag ng IDIS, labis nitong ikinalungkot ang nangyaring trahedya sa Davao City Sanitary Landfill sa Barangay New Carmen, Davao City noong May 20, 2026 na nagresulta sa pagkasawi, pagkasugat, at pagkawala ng ilang indibidwal.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang grupo sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan, habang patuloy ang paghahanap sa ilang nawawala.

“The tragedy reflects the challenges of increasing volume of waste generated and disposed of in our landfills everyday,” pahayag ng IDIS.

Binigyang-diin din ng IDIS na ang insidente ay dapat magsilbing babala sa pangangailangan ng mas sistematikong solid waste management na inuuna ang kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran.

Ipinunto rin ng grupo ang kalagayan ng mga waste picker at informal workers na kadalasang nagtatrabaho sa mapanganib na kondisyon at nangangailangan ng mas maayos na proteksyon at suporta mula sa lipunan.

“Beyond being an environmental issue, waste management is also a matter of public safety, human dignity, and social justice,” giit ng IDIS.

Ang IDIS ay isang Davao-based environmental advocacy organization na nakatuon sa sustainable development at pangangalaga ng watershed at urban environment.

Ang Davao City Sanitary Landfill ang ikaapat na landfill facility sa bansa na naiulat na nagkaroon ng insidente kaugnay ng operasyon nito ngayong taon, kasunod ng mga naunang trahedya sa Binaliw landfill sa Cebu noong Enero, Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez, Rizal noong Pebrero, at Navotas Sanitary Landfill sa Navotas City noong Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,204 total reads

 7,204 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 88,731 total reads

 88,731 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 182,956 total reads

 182,956 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,446 total reads

 243,446 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,990 total reads

 256,990 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,976 total reads

 69,976 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top