Kinamusta niyo rin ba ang pamilya ng namatay sa war on drugs? Bishop Ayuban sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 108,141 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF at nanawagan ng patas na pagtingin sa usapin ng katarungan kasunod ng naging reaksyon ni Senator Pia Cayetano sa privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa nangyaring gulo sa Senado noong May 13.

Sa kanyang bukas na liham, ipinunto ni Bishop Ayuban ang pagiging mapili sa pagpapakita ng pagkabahala at pagpapahalaga sa buhay, kasunod ng insidente sa Senado, na inihambing niya sa sinapit ng mga biktima ng madugong kampanya laban sa droga noong mga nakaraang taon.

“Noong gabi-gabing may duguang bangkay na nakahandusay sa tabi ng estero… kinakamusta mo rin ba at ng 12 mong kasama ang naulilang pamilya?” pahayag ni Bishop Ayuban.

Binanggit din ni Bishop Ayuban si Kian delos Santos at iba pang biktima ng karahasan na aniya’y hindi nabigyan ng sapat na pagkilala at katarungan.

Ayon sa obispo, madaling malimot ang sinapit ng mahihirap lalo na kung wala silang kapangyarihan o impluwensya sa lipunan, kaya’t iginiit niya na hindi dapat namimili ang katarungan at habag batay sa katayuan ng isang tao.

“Ang hustisya ba’y may paboritong adres? Ang habag ba’y marunong pumili kung sino lamang ang dapat luklukan ng awa? Mas mabigat ba ang luha kapag ang umiiyak ay may posisyon, at mas magaan kapag ang bangkay ay mula sa laylayan?,” saad ni Bishop Ayuban.

Binigyang-diin din ng obispo na nananatiling sariwa sa alaala ng sambayanan ang sinapit ng libu-libong biktima ng karahasan at hindi ito dapat matabunan ng mga talumpati at usaping pulitikal.

Hinimok ni Bishop Ayuban ang mga halal na opisyal na isulong ang tunay na paghilom at pagbabago sa lipunan, lalo na para sa mga pamilyang matagal nang naghahanap ng katarungan at kapayapaan.

“Kaya bago mo muling itanong kung nasaan ang iyong mga kasama, baka dapat mong lingunin ang mga gabing tahimik kang nakatingin habang ang mahihirap ay isa-isang nililibing,” ayon kay Bishop Ayuban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 47,958 total reads

 47,958 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 85,337 total reads

 85,337 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 120,636 total reads

 120,636 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 346,906 total reads

 346,906 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 237,560 total reads

 237,560 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,995 total reads

 153,995 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top