138 total views
Nagpa–abot ng pagbati si Senate Committee on Youth chairman Sen. Benigno “Bam” Aquino IV sa 625 scholars sa buong bansa na nagsipagtapos ngayong Academic Year 2015 – 2016 sa programa ng Caritas Manila na Youth Servant Leadership and Education Program o Y-SLEP.
Ayon kay Sen. Aquino na isa ring volunteer ng Y-SLEP bago maihalal na senador, isa aniyang pagkakataon ang scholarship program upang matulungan ang mga kabataan na maiahon ang kanilang pamilya sa kahihirapan sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.
Iginiit pa ng senador na ang Y-SLEP ay lumilikha ng mga bagong lingkod bayan na handang magsilbi sa kanilang mga komunidad.
Inanyayahan rin nito ang mga taumbayan at ang mga benefactors ng naturang programa na patuloy na suportahan ito lalo na sa nalalapit na isasagawang Y-SLEP Back to School Telethon sa June 6, 2016 upang makatulong pa sa mahigit 5,000 iskolar sa buong bansa.
“Firstly sa mga scholars natin pagbutihin ninyo ang inyong pag – aaral and try to be the servant leaders that we need in your communities. At sa lahat po ng mga kaibigan natin suportahan po natin ang isa sa pinaka–magagaling na youth program sa ating bansa. Buksan po natin ang ating mga pitaka an gating mga puso. Suportahan po natin ang Y-SLEP.” Bahagi ng pahayag ni Sen. Aquino sa panayam ng Veritas Patrol.