Bagong botante, hinimok ng PPCRV na magparehistro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,723 total reads

Inaanyayahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga hindi pa rehistradong botante na samantalahin ang muling pagbubukas ng voter’s registration ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano, dapat samantalahin ng mga hindi pa rehistradong botante ang mahigit isang buwang voter’s registration upang makapagpatala mula ika-12 ng Disyembre, 2022 hanggang sa ika-31 ng Enero ng susunod na taong 2023.

Nanawagan si Serrano sa mga first time voters o sa mga kabataan na nasa wastong edad pagsapit ng nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na magparehistro upang makibahagi sa halalang pambarangay sa October 27, 2023.

“Para sa mga mag-i-edad ng 15 years old on or before October 27, 2023 maaari kayong magparehistro if I say at least magpi-15 years old on or before October 27, 2023 kasama na din diyan yung hanggang 30 years old para makaboto sa SK (Sangguniang Kabataan)” paanyaya ni Serrano sa Radio Veritas.

Bukod sa regular na proseso ng voters registration ay inilunsad din ng COMELEC ang Registration Anywhere Project upang mabigyan ng panahon ang mga nais na magpatala na magparehistro maging sa araw ng Sabado at Linggo sa ilang mga malalaking pamilihan sa bansa.

Kasabay voter’s registration sa bansa ay sinimulan ng COMELEC ang Overseas Voters Registration sa iba’t ibang bansa noong ika-9 ng Disyembre 2022 na magtatagal sa ika-30 ng Setyembre 2024 bilang paghahanda sa nakatakdang 2025 National and Local Elections.

5-milyong bagong botante ang inaasahan ng COMELEC ang makapagtala sa voters registration.

Unang tiniyak ng PPCRV ang suporta para sa muling pagbubukas ng voters registration sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon at pagkumbinsi sa mga hindi pa rehistradong botante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 80,774 total reads

 80,774 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 163,800 total reads

 163,800 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 258,133 total reads

 258,133 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 319,817 total reads

 319,817 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 361,669 total reads

 361,669 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top