Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, ENERO 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,630 total views

Miyerkules ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Hebreo 7, 1-3. 15-17
Salmo 109, 1. 2. 3. 4

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Marcos 3, 1-6

Wednesday of the Second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Hebreo 7, 1-3. 15-17

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, itong si Melquisedec ay hari ng Salem, at saserdote ng Kataas-taasang Diyos. Nang pabalik na si Abraham mula sa pagpuksa sa mga hari, sinalubong siya ni Melquisedec at sinabi sa kanya, “Pagpalain ka ng Panginoon.” Ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu ng lahat ng nasamsam sa labanan. Ang unang kahulugan ng pangalan ni Melquisedec ay “Hari ng Katarungan.” At siya’y hari ng Salem, na sa ibang salita’y “Hari ng Kapayapaan.” Walang nababanggit tungkol sa kanyang ama at ina o sa angkang pinagmulan niya. Hindi rin natala ang kanyang kapanganakan o kamatayan. Tulad ng Anak ng Diyos, siya’y saserdote magpakailanman.

Ito’y lalo pang naging maliwanag nang magkaroon ng ibang saserdoteng katulad ni Melquisedec. Naging saserdote siya dahil sa kapangyarihan ng buhay na kailanma’y di matatapos, at hindi dahil sa lahi — ayon sa tuntunin ng Kautusan. Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, “Ikaw ay saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 109, 1. 2. 3. 4

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Sinabi ng Poon, sa Hari ko’t Panginoon,
“Maupo ka sa kanan ko,
hanggang ang kaaway mo
ay lubos na mapasuko,
pagkat iyong matatalo.”

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Magmula sa dakong Sion,
ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;
“At lahat ng kaaway mo’y
sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Sasamahan ka ng madla,
kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;
magmula sa mga bundok,
lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Panginoo’y may pangako na ito’y tiyak mangyayari,
ganito ang kanyang saysay:
“Katulad ni Melquisedec,
gagawin kang saserdote, na hindi na wawakasan.”

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, muling pumasok si Hesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang isang lalaking patay ang isang kamay. Kaya’t binantayan si Hesus ng ilang taong naroon upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, para may maiparatang sila sa kanya. Tinawag ni Hesus ang lalaking patay ang kamay: “Halika rito sa unahan!” Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, “Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Magligtas ng buhay o pumatay?” Ngunit hindi sila sumagot. Habang tinitingan ni Hesus ang mga taong nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito’y gumaling. Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pinalaya tayo ni Kristo sa mapanirang kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan upang maging malaya tayong makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Hinihingi natin ang biyaya at pagbabasbas na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Pag-ibig, iabot Mo ang Iyong kamay sa amin.

Ang Simbahan nawa’y makatagpo ng pamamaraan na mapalaya ang sinuman sa anumang hadlang upang ipahayag ang Ebanghelyo sa mga tao sa ating panahon ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa nagugutom na daigdig, lalo na sa mga taong hindi makatarungnang pinagkakaitan ng pagkain, damit, at tahanan nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan ng loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y hindi maging mga taong mapagkunwari na sumusunod sa batas, kundi maging mga taong may pusong gagawin ang mabuti at nararapat bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magmalasakit sa mga nagdurusa at naghihirap upang mapagaan ang kanilang dinadala at tulungan silang patuloy na manalig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay at yaong mga nagluluksa sa kanilang pagkawala nawa’y makatagpo ng pag-asa at kasiyahan sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Diyos, inaangkin namin na kami ay sa iyo at sa iyong Anak. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tulungan mo kaming mahalin ka sa pamamagitan ng aming pagkalinga at pagbibigay kasiyahan sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 31,698 total views

 31,698 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 42,862 total views

 42,862 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 78,975 total views

 78,975 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 96,777 total views

 96,777 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 26, 2025

 352 total views

 352 total views Paggunita kina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal ng Birheng Maria Exodo 24, 3-8 Salmo 49, 1-2. 5-6. 14-15 Sa

Read More »

Biyernes, Hulyo 25, 2025

 1,010 total views

 1,010 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Huwebes, Hulyo 24, 2025

 1,626 total views

 1,626 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Exodo 19, 1-2. 9-11. 16-20b Daniel 3,

Read More »

Miyerkules, Hulyo 23, 2025

 2,108 total views

 2,108 total views Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Exodo 16, 1-5. 9-15

Read More »

Martes, Hulyo 22, 2025

 2,628 total views

 2,628 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »
12345

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES