Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 106,786 total reads

Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media?

Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may edad 12 hanggang 17-taong gulang ay naka-online at 2-milyon sa mga ito ay expose sa online sexual abuse. Kapanalig, maaring kasama ang mga anak natin sa mga nahaharap sa banta ng cyberbullying, scams at sexual exploitation and harassment online. Paano ka kikilos Kapanalig? Ang katotohanan ay hindi lang nakakabahala maging trafficking online. Ito’y nakakatakot.

Ang survey ay ginawa lamang sa may edad na 12-17 taong gulang, hindi kasama dito ang 12-taong gulang hanggang 4-years old., exposed din sila., dahil ito ang paraan ng magulang para mapatahan ang nag-iiyak at nag-aalburutong anak. Ibig sabihin, ang problema ay mula mismo sa loob ng tahanan.

Kapanalig, ang online accessibility ng mga bata ay naging ugat ng hindi pagkakaunawaan at pag-aaway ng magulang at anak sa loob ng tahanan. Dahil naka-online, nawawala na ang kamustahan, pag-uusap at ang malala, hindi na nagkakaroon ng bonding sa pagitan ng magulang at mga anak. Dahil, busy si nanay, si tatay, si kuya, si ate sa pagko-comment sa social media., panonood., kadudutdot ng cellphone at computer. Wala ng kumikilos sa loob ng bahay… abala ang lahat.

Kapag hindi ito naagapan at hindi nakontrol, Kapanalig tataas ang kaso ng mental illness tulad ng anxiety at depresyon., ang nakakabahala, tataas din ang kaso ng suicides.

Dahil nagiging krisis na, iminumungkahi sa Senado ang “An Act Regulating the Use of Social Media Platforms by Minors,”. Kapag naging batas iba-ban ang sinumang may edad 18-taong gulang pababa na maka-access sa social media.

Makakalusot kaya ang panukala Kapanalig? Maraming aalma dito., Ngayon pa lang, binibigyang halaga daw ng 1987 constitution ang rights of children to child protection, and their right to participate in information”.

Hindi daw maaring ipatupad ang “total ban” sa mga menor-de-edad sa social media., dahil ginagamit ng mga Kabataan ang social media sa edukasyon at civic engagement.

Kung ayaw ng total ban, anong gagawin? Sinasabi ng mga eksperto na kailangang lang i-harmonize ang panukala sa mga ipinapatupad ng child protection laws. Nararapat ding maging “first line of defense” ang mga magulang. Malawakan ding isulong ng gobyerno ang “digital literacy” sa mga magulang at mga anak. May panawagan din sa mga media companies., itigil na ang paggamit sa Kabataan bilang online content para pagkakakitaan.

Kapanalig, ang problemang dulot ng social media na pinalala ng artificial intelligence (AI) ay mareresolba kung sama-sama ang lahat ng sektor sa iisang layunin na pigilan ang nagbabadyang “social media” crisis sa Pilipinas. Napapanahon ng limitahan ang access online hindi lamang ng mga Kabataan, isama na ang mga lahat!

Noong 2019, isinapubliko ng namayapang Pope Francis sa paggunita ng “Feast of the Annunciation” ang “CHRISTUS VIVIT”(Christ is Alive)-Apostolic Exhortation on Young People, the Faith and Vocational Discernment”. Nasasaad sa CV, 86 na “It is no longer merely a question of ‘using’ instruments of communication, but of living in a highly digitalized culture that has had a profound impact on ideas of time and space, on our self-understanding, our understanding of others and the world, and our ability to communicate, learn, be informed and enter into relationship with others”

Sumainyo ang Katotohana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 16,460 total reads

 16,460 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 103,560 total reads

 103,560 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 150,300 total reads

 150,300 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 198,172 total reads

 198,172 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 301,408 total reads

 301,408 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 16,461 total reads

 16,461 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 103,561 total reads

 103,561 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 150,301 total reads

 150,301 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 198,173 total reads

 198,173 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top