Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 112,746 total views

Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Yung dating iligal na gawain ay ginawang legal ng Kongreso., sa halip na manggagaling sa bulsa ng isang pulitiko., ito ay magmumula na sa kaban ng bayan., sa pera ng taumbayan. Ang pamumudmod ng ayuda ay isinabatas na, tinagurian itong state-funded dole-outs.

Ang DOLE ay mayroong TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program. Mayroon namang sariling dole-outs program ang iba’t-ibang LGU’s., nariyan ang cash assistance, food subsidies, livelihood support, health assistance at educational assistance at marami pang iba.

Kilala ang dole-out program ng DSWD, ang kontrobersiyal na 4P’s program o sinasabing Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Namamayagpag tuwing halalan si Senador Bong Go dahil sa kasikatan ng Malasakit Centers na isinabatas at ginawang one-stop shop para sa apat na ahensiya tulad ng PHILHEALTH, PCSO, DOH at DSWD. Ang mga indigent na humihingi ng tulong medical, akala nila kay Bong Go ang Malasakit centers. Sino pa ang hindi nakakaalam sa “Kadiwa ng Pangulo” program ng pangulong Marcos na nagbibigay daan sa mga mahihirap na Pilipino na makabili ng murang bigas.

Meron ding Social Amelioration Program(SAP)-cash aid sa mga apektado ng mahinang ekonomiya., Livelihood Seeding Program., Senior Citizens Program., Person With Dissabilities Assistance., Self-Employment Assistance Program. Napakarami pang ibang dole-out program ng pamahalaan, pinopondohan ang mga ito ng pera nating mga Pilipino. Nakakatulong ba, nakakarating ba sa mga lehitimong benepisaryo ang ayuda? Kapanalig, mukhang tagumpay ang mga dole-out program ng pamahalaan., nagsusulputan ang iba’t-ibang gimik at estilo ng ayuda. Di kaya’y isa lang itong “milking cow” program o gatasan ng mga opisyal ng pamahalaan?

Mayroong bagong panukala sa Kamara Kapanalig, ipinapanukala na bigyan ng buwanang allowance ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan ng isang libong piso(1,000) mula kindergarten hanggang kolehiyo para sa kanilang gastusin sa pagkain, transportasyon at school supplies. Ang sabi ng Malakanyang, teka muna! Saan kukunin ang pondo dito? O baka naman, mababawasan ang ibubulsa?

Mabuti ang layunin ng anumang dole-out program pansamantala., pero ito ay hindi na epektibo sa long term dahil lilikha ito ng maraming “Juan tamad”., paasa culture at ang nakakabahala, magiging ugat ito ng korapsyon.

Kapanalig, binibigyan-diin sa social teachings ng “Guadium et Spes at Compendium of the Social Doctrine of the Church na ang “every individual has inherent dignity, which should be respected and protected in all public service efforts.

Itinuturo ng Simbahan na ang “Public service should aim to promote the common good, ensuring that all members of society can thrive and access necessary resources.”

Kapanalig, sinasabi sa “2 Thessalonians 3:10: For even when we were with you, we gave you this rule: ‘The one who is unwilling to work shall not eat. At sa, Proverbs 10:4: “Lazy hands make for poverty, but diligent hands bring wealth.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 134,149 total views

 134,149 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 164,372 total views

 164,372 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 191,019 total views

 191,019 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 285,992 total views

 285,992 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 298,352 total views

 298,352 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 134,150 total views

 134,150 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 164,373 total views

 164,373 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 191,020 total views

 191,020 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 285,993 total views

 285,993 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top