PNP-Chaplain Service, humiling ng panalangin kay Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,126 total reads

Ibinahagi ng Philippine National Police – Chaplain Service ang paghingi ng panalangin para sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo sa kanyang personal na pakikipagpulong kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown makaraang maanyayahan sa Apostolic Nunciature noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Ayon kay General Ortizo, bilang kinatawan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay ipinaabot ni Archbishop Brown ang kanyang pasasalamat sa maagap at magandang serbisyo na ipinagkakaloob ng PNP upang siya magabayan sa kanyang tungkulin bilang kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas.

“Nainvite po tayo ng ating Papal Nuncio dahil actually nag-express po siya ng pasasalamat sa PNP sa lahat ng mga services na pinoprovide natin sa kanyang opisina sa Nunciature at siya ay tuwang tuwa kasi siya sa ating mga collaboration, sa ating tulong na maipaabot natin sa opisina niya at sa kanya. So that dinner was reserved purposely to express his heartfelt gratitude in behalf of me to the entire PNP organization.”pahayag ni Msgr. Ortizo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni General Ortizo, nagkaroon rin siya ng pambihirang pagkakataon upang ibahagi sa Papal Nuncio ang mga kasalukuyang programang isinusulong ng PNP partikular ang revitalized KASIMBAYANAN program.

Ayon kay General Ortizo kabilang din sa kanyang ibinahagi kay Archbishop Brown ay ang puspusang isinasagawang internal cleansing campaign upang malinis ang hanay ng PNP mula sa iba’t ibang mga problema tulad ng ilegal na droga.

“Nagkaroon din ako ng panahon to discuss with him [Papal Nuncio] our programs yung KASIMBAYANAN Program ng ating mahal na Chief PNP at yung ating internal cleansing campaign and of course hinihingi din natin yung kanyang patuloy na pagdarasal para sa ating mga kapulisan.” Dagdag pa ni General Ortizo.

Naganap ang dinner meeting noong ika-28 ng Nobyembre, 2022 sa Embassy of the Holy See (Apostolic Nunciature), Taft Ave., Malate, Manila.

Matatandaang pinangangasiwaan ng Philippine National Police – Chaplain Service ang revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP upang paigtingin at pagtibayan ang ugnayan ng mga pulis, komunidad at ng mga faith-based groups.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,127 total reads

 3,127 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,874 total reads

 13,874 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,434 total reads

 54,434 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,743 total reads

 81,743 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,008 total reads

 130,008 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,495 total reads

 151,495 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,128 total reads

 3,128 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,980 total reads

 24,980 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,950 total reads

 24,950 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top