LUNES, ENERO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,875 total views

Lunes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Hebreo 9, 15. 24-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

Marcos 3, 22-30

Monday of the Third Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Hebreo 9, 15. 24-28

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, si Kristo ang tagapamagitan ng bagong tipan sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, ipinatawad ang paglabag ng mga tao noong sila’y nasa ilalim ng unang tipan. Dahil dito, kakamtan ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na kanyang ipinangako.

Sapagkat pumasok si Kristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo’y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin. Ang dakilang saserdote ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon, may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit minsan lamang pumasok si Kristo upang ihandog ang kanyang sarili, at iyo’y sapat na. Kung di gayun, kailangan sanang siya’y paulit-ulit na mamatay mula pa nang matatag ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siya napakita, ngayong magtatapos na ang mga panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog. Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayun din naman, si Kristo’y minsang inihandog bilang hain upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang ihandog na muli dahil sa kasalanan kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Umawit sa D’yos ng awa,
ang gawain n’ya’y dakila.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 22-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, “Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!” Kaya’t pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinghaga: “Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?” Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayun din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.

“Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw ng kanyang ari-arian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon.

“Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.” Sinabi ito ni Hesus sapagkat ang sabi ng ilan, “Inaalihan siya ng masamang espiritu.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, buong tiwala tayong lumapit sa Ama dala ang ating mga idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa langit, iligtas Mo kami sa masama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at sumaksi nang may katapatan sa tamang pagpapahalaga sa buhay upang makatulong sa pagpapanumbalik sa mundong nasadlak sa kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdidigmaang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pakikiisa at pagtutulungan upang makapagdulot ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nananalig kay Kristo nawa’y mapaglabanan nila ang pagkakahiwa-hiwalay at maging iisa sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, lalo na ang mga lumpo at may kapansanan, nawa’y tumanggap ng kasiyahan at kalinga sa mga nag-aalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mailigtas sa kasamaan ng walang hanggang kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang iyong kabutihan ang siyang magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,291 total views

 14,291 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,296 total views

 36,296 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,638 total views

 60,638 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,606 total views

 84,606 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,348 total views

 119,348 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 3, 2026

 191 total views

 191 total views Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

Sabado, Mayo 2, 2026

 191 total views

 191 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas.

Read More »

Biyernes, Mayo 1, 2026

 4,261 total views

 4,261 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More »

Huwebes, Abril 30, 2026

 6,857 total views

 6,857 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 8,263 total views

 8,263 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top