Kalayaan at krimen, 2 mukha ng anti-Marcos protest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 361 total views

Kalayaan at krimen.

Ito ang nakikitang senaryo ni Rev. Fr. Ranhillo Aquino, Dean ng San Beda College Graduate School of Law kaugnay ng mga nagaganap na protesta ngayon na may kinalaman sa sorpresang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa pari, may kalayaan at karapatan ang mamamayan base sa itinatadhana ng Saligang Batas na magsagawa ng mga pagkilos subalit magiging krimen na ito kung ang protesta na ito ay mauuwi sa pag-aaklas laban sa pamahalaan na magbubunsod na ng kaguluhan.

“Sa mga nagbabalak na protesta, yan ay isang kalayaan at karapatan na ipinagkakaloob ng ating Saligang Batas at dapat bantayan natin ang karapatan, kalayaan na yan. Ikalawa, ibang bagay ang magpapahayag ng pagtutol sa pagpapalibing ibang bagay naman at nagiging krimen na kung uudyukan ang mga tao na mag-alsa laban sa pamahalaan.” Pahayag ni Fr. Aquino sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng pari na wala siyang nakikitang masamang dahilan ng paglilibing kay Marcos sa LNMB dahil aniya natupad naman ang mga requisite sa usapin.

“Sa aking palagay na naaayon sa batas wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi siya mailibing doon, unang una natupad ang mga requisite sa pagpapalibing doon, may mga asawa… parang sundalo na hindi naki-giyera dapat ang isang nakaraang Pangulo ng Republika at naging sundalo ay may karapatan ding ilibing doon,” ayon pa kay Fr. Aquino.

Dagdag ni Fr. Aquino, bagamat may katotohanan na marami ang nabiktima ng torture, na may nasugatan at namatay sa idineklarang Martial Law ni Marcos, hindi ito nangangahulugan na lahat ng masamang idinulot ng batas military siya ang may kagagawan.

“Ikalawa, kung ang pagbabasehan ang mga na-torture na bilanggo noong Martial Law, oo maraming namatay may nasugatan may nahirapan, pero ang tanong ko lang lahat ba ng masamang nangyari na yan si Marcos lang ang lahat ng may kagagawan? Nasaan ang ebidensiya na si Marcos ang lahat ng may kagagawan?” ayon pa sa pari.

Marami ang tumututol sa paghihimlay kay Marcos sa LNMB kabilang na ang mga bumuo ng EDSA People Power 1 na nagpatalsik sa rehimeng Marcos noong 1986 dahil na rin sa idinulot na pang-aabuso sa kapangyarihan kaugnay na rin ng pagnanakaw ng bilyong bilyong dolyar mula sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 76,710 total views

 76,710 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 90,287 total views

 90,287 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 118,851 total views

 118,851 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 166,728 total views

 166,728 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 156,464 total views

 156,464 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 89,018 total views

 89,018 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 275,603 total views

 275,603 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top