Simbahan, binuksan sa mga biktima ng tropical storm Marce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total reads

Nagsilbing evacuation centers ng mga apektado ng bagyong Marce ang mga simbahan sa Panay islands, Romblon, Negros Occidental at Mindoro.

Sa mensahe ng Archdiocese of Capiz, mula umaga ay kanilang naranasan ang walang tigil na pag-ulan na may malakas na hangin dahilan upang magsilikas ang may 121 indibidwal sa Panay Evacuation Center.

Ayon kay Capiz Social Action Director Rev. Fr. Mark Grandflor, patuloy silang naka-antabay sa epekto ng bagyo lalo na’t posible pang madagdagan ang mga bahang lugar dahil sa pag-ulan.

“Moderate to heavy rains with strong winds since this morning. As of 11am we have 121 individuals or 26 households evacuees in Panay Evacuation Center, So far umuulan pa din and we are expecting floods as the rain continues,” pahayag ni Father Grandflor sa Radio Veritas.

Sa Diocese ng Romblon, 20-pamilya ang nagsilikas isang parokya dahil na rin sa patuloy na pag-ulan.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Magro ng Social Action Center ng Diocese of Romblon, 20 pamilya ang nananatili ngayon sa Our lady of Candles Parish sa bayan ng Odiongan.

Ibinahagi naman ni Fr. Ernie Larida ng Diocese of Bacolod na bumuti na ang panahon sa kanilang lugar at wala pang naiulat na malawak na pinsala sa buhay at ari-arian.

Kaugnay nito, Tiniyak ni Apostolic Vicariate of Calapan Social Action Director Fr. Edgar Fabic na naka-alerto ang kanilang hanay at naka-handa na rin ang mga evacuation centers ng Simbahan sakaling kailangan ng mga residente.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, tinatayang aabot sa mahigit sampung libong indibidwal ang stranded ngayon sa iba’t-ibang pantalan sa Visayas dahil sa bagyong Marce.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,082 total reads

 86,082 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,729 total reads

 163,729 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,177 total reads

 197,177 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,475 total reads

 232,475 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,623 total reads

 455,623 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,991 total reads

 111,991 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top