ACN, umaapela ng tulong para sa Turkey at Syria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,078 total reads

Umapela ng tulong at panalangin ang sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines para sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol sa bansang Turkey at Syria.

Ayon kay ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos, ang anumang donasyon na matatanggap ng sanggay ng ACN sa bansa ay ipadadala sa ACN International upang maipaabot sa mga naapektuhan ng lindol sa dalawang bansa.

Pagbabahagi ng Pari, bukod sa pananalangin ay mahalaga rin ang anumang tulong at donasyon para sa mga kagyat na pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

“ACN Philippines appeals for your prayers and support. Any donation will be sent to ACN International – a pontifical organization that has tirelessly assisted the affected countries in recent decades,” ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos sa Radio Veritas.

Pagtiyak ng Pari, makakaasa ang mamamayan ng Turkey at Syria sa pakikiisa ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas hindi lamang sa pamamamagitan ng pananalangin kundi bilang daluyan ng biyaya, habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Umaasa naman si Msgr. Santos sa aktibong pagtugon ng bawat mananampalataya sa panawagan ng Santo Papa Francisco upang makiisa at magpaabot hindi lamang ng panalangin kundi ng konkretong pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng paglindol sa dalawang bansa.

“ACN Philippines is one with the people of Syria and Turkey as they grieve and try to recover from the devastation of the recent earthquakes. Our beloved Pontiff, Pope Francis, has called for solidarity with all the victims. At his General Audience, he mentioned Aid to the Church in Need (ACN) as one of the foundations that urgently responds to the suffering Church in Syria and Turkey. We grieve with our brothers and sisters over the loss of over 12,000 lives, even as they have not yet recovered from a long war,” dagdag pa ni Msgr. Santos.

Batay sa kasalukuyang tala, umaabot na sa humigit kumulang 12,000 ang naitalang nasawi sa naganap na malakas na lindol sa Turkey at Syria kung saan karamihan sa mga mamamayang nakaligtas ay tinitiis ang malamig na panahon at kakulangan ng supply ng mga pangunahing pangangailangan.

Matatandaang taong 2016 ng nagkaroon ng sanggay ang ACN sa Pilipinas na isa lamang sa mahigit 20-piling mga bansa sa Europa, Amerika, Australia at Asia na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,495 total reads

 1,495 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,189 total reads

 11,189 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,749 total reads

 51,749 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,165 total reads

 79,165 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,430 total reads

 127,430 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 149,047 total reads

 149,047 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,496 total reads

 1,496 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,587 total reads

 24,587 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,628 total reads

 24,628 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top