Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

No Meat Friday, suportado ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,909 total views

Suportado ni Baguio Bishop Victor Bendico ang No Meat Friday campaign upang isulong ang pangangalaga ng kalusugan kasabay ng pag-aayuno at pangingilin ngayong Kuwaresma.

Ayon kay Bishop Bendico makakabuti sa kalusugan ng tao na iwasan ang labis na pagkain ng karne sapagkat nagiging sanhi ito ng iba’t ibang karamdaman.

Ibinahagi ng Obispo ang kanyang obserbasyon sa mga pagdiriwang sa Benguet na ang karaniwang handa ay karne, at kaunti lamang ang gulay na pangunahing produkto ng lalawigan.

Ikinabahala rin ni Bishop Bendico ang mga kaso ng malulubhang karamdaman na karamiha’y ang nakakaranas ay mga kabataan sanhi ng labis na pagkonsumo ng karne.

“Parang naging carnivorous na ang mga tao kahit mga bata pa… Maraming cases dito ng heart attack kahit mga mid-years of their life. So, I support the campaign for health reasons. Ang palaging pagkain ng karne ay nakakasira ng mga internal organs natin at malaking possibilities na mag-develop ng diseases,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa mga pag-aaral, ang karne lalo ng baboy at baka ay ang pangunahing pinagmumulan ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, cancer, Alzheimer’s disease, diabetes, at iba pang chronic diseases.

Kaya naman panawagan ni Bishop Bendico na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines—Episcopal Commission on Liturgy, sa mananampalataya na kasabay ng pananalangin ngayong Kuwaresma ay ang pagsasabuhay at pagpapalaganap sa pagkain ng masusustansiyang prutas at gulay.

Maliban dito, nauna nang inihayag ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na makakatulong ang No Meat Friday sa adbokasiya ng simbahan laban sa epekto ng climate change sapagkat ang animal agriculture ang nangungunang dahilan ng greenhouse gases na nakakaapekto sa temperatura ng daigdig.

Ang No Meat Friday campaign ay pinaigting ng Radio Veritas noong 2011 upang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng tao at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 22,865 total views

 22,865 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 62,359 total views

 62,359 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 78,354 total views

 78,354 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 85,821 total views

 85,821 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Mangalinao, kinasuhan

 8,784 total views

 8,784 total views Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North

Read More »
Scroll to Top