MIYERKULES, MARSO 22, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,083 total reads

Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 49, 8-15
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Juan 5, 17-30

Wednesday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 49, 8-15

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
“Sa araw ng pagliligtas sa iyo
ay lilingapin kita,
at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo.
Babantayan kita at iingatan;
sa pamamagitan mo’y
gagawa ako ng tipan sa mga tao,
ibabalik kita sa sariling lupain
na ngayon ay walang kaayusan.
Palalayain ko ang nasa bilangguan
at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman.
Sila’y matutulad sa mga tupang
nanginginain sa magandang pastulan.
Hindi sila magugutom ni mauuhaw.
Hindi rin daranas
ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto
sapagkat papatnubayan sila noong isa
na nagmamahal sa kanila.
Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig.
Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok
at ako’y maghahanda ng daan,
para siyang daanan ng aking bayan.
Darating ang bayan ko buhat sa malayo,
mula sa hilaga at sa kanluran,
gayun din sa Sevene sa timog.”

Kalangitan umawit ka!
Lupa, ikaw ay magalak,
gayun din ang mga bundok,
pagkat inaaliw ng Panginoon
ang kanyang hinirang,
sa gitna ng hirap ay kinahabagan.
Ang sabi ng mga taga-Jerusalem,
“Pinabayaan na tayo ng Panginoon.
nakalimutan na niya tayo.”
Ang sagot ng Panginoon,
“Malilimot kaya ng ina
ang sarili niyang anak?
Hindi kaya niya mahalin ang sanggol na iniluwal?
Kung mayroon mang inang
lumilimot sa kanyang bunso,
Ako’y hindi lilimot sa inyo
kahit na sandali.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit na ano ito ay mabuting lahat.
Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;
yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 11, 25a. 26

Pagkabuhay ako’t buhay,
nabubuhay na sinumang
ako’y pinananaligan
ay di mapapanaigan
ng kamatayan kailanman.

MABUTING BALITA
Juan 5, 17-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya, sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos.

Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.

“Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. Tandaan ninyo: darating ang panahon – ngayon na nga – na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang makinig sa kanya ay mabubuhay. Ang Ama ang may kapangyarihang magbigay-buhay at ang Anak ay binigyan niya ng kapangyarihang magbigay-buhay. Binigyan din siya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya ang Anak ng Tao. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Sila’y muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.”

“Wala akong ginagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya’t matuwid ang hatol ko; hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Habang inilalapit natin ang ating mga kahilingan sa dambana ng Diyos, hingin natin ang lakas at pananampalataya upang makasunod sa kanyang kalooban.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, Ikaw ang lahat sa amin.

Ang Simbahan nawa’y maging gabay ng kanyang mga kasapi sa daan ng kabutihan at dalhin sila sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang talikuran ang kasalanan nang buong puso at maging masunurin sa mga batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdaranas ng pagsubok at pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya nawa’y magtiyaga at magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang masundan ang halibawa ni Jesus at makiayon tayo sa kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatanggap ng ipinangako ng Diyos na buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming iayon ang aming sariling kalooban sa iyong kalooban upang makapamuhay kami sa paraang ninanais mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

OMNISCIENT

 418 total reads

Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13

OMNISCIENT

Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend to whom he goes at midnight and says, ‘Friend, lend me three loaves of bread, for a friend of mine has arrived at my house from a journey and I have nothing to offer him,’ and he says in reply from within, ‘Do not bother me; the door has already been locked and my children and I are already in bed. I cannot get up to give you anything.’ I tell you, if he does not get up to give him the loaves because of their friendship, he will get up to give him whatever he needs because of his persistence.

“And I tell you, ask and you will receive; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds; and to the one who knocks, the door will be opened. What father among you would hand his son a snake when he asks for a fish? Or hand him a scorpion when he asks for an egg? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him?”

————

Prayer has to go with Faith and Trust. Otherwise, if what we ask for does not come according to our timeline, we may start thinking that our prayers are not being heard and that it is useless to keep on praying.

When we pray with true Faith in God, we are sure that he will answer our prayers at the right time and in the right way. God is OMNISCIENT; hence, we have to learn to trust him.

A lot of us have realized that our prayers were answered only when we looked back and saw how our lives and circumstances unfolded—not the way we wanted, but in the way that was best for us.

Lord, may we always put our trust in you!

Bewitched

 876 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October 2026
Galatians 3:1-5     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 11:5-13
Photo by Mr. Raffy Tima, GMA News, Batanes, October 2018.
Your words today,
O Lord through St. Paul
speak directly to us in this
time too:

O stupid Galatians! Who has bewitched you, before whose eyes Jesus was publicly portrayed as crucified? (Galatians 3:1)

O how we your people
hate to hear those words
these days because they are
hurtfully true -
it is plain stupidity
on our part to abandon all
your teachings to adopt 
all these strange ideas
about life that overstretch
our rights without any regard
to what is true and good;
to insist that only matter matters
without accepting the fact that
the most profound realities in life
are those felt than seen; and,
to believe more in ourselves
than in you, Lord Jesus Christ.
We have been so bewitched,
enthralled, and amazed by new 
ideas and beliefs that are clearly
self-serving and untrue,
"budol" or fake in every sense,
totally forgetting how you have never
left nor abandon us all these years
through thick and thin,
doing only what is best and good
for us only to follow the fascinating
special effects of those trash
peddled in social media, 
fabricated by AI.
Awaken us,
dear Jesus to the realities
of your loving presence
in us, in our lives,
to follow our hearts where
we find peace and joy
despite pains and sacrifices
than follow our flesh 
and whims
of pleasures and convenience
so temporary,
ephemeral,
most of all
superficial;
ignite our hearts
to seek and follow you
in a life of prayer
that changes primarily 
us, not the situations.
Amen.
Photo by a friend at Seabrook, Washington, 06 September 2026.

BRIDGING THE GAP

 1,788 total reads

Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4

BRIDGING THE GAP

Jesus was praying in a certain place, and when he had finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray just as John taught his disciples.” He said to them, “When you pray, say:

Father, hallowed be your name, your Kingdom come. Give us each day our daily bread and forgive us our sins for we ourselves forgive everyone in debt to us, and do not subject us to the final test.”

————

In this Gospel reading, Jesus teaches us the elements of prayer. We must first recognize whom we are supplicating: the Father. He is not just an ordinary father because he is the Father above all fathers. He is holy, and he has a Kingdom that is not only in heaven but is already on earth. Because he is the Father, he is our provider; hence, we ask him to grant us our needs.
But it is not enough to ask for our temporal needs. We need to ask him to forgive us for our wrongdoings. We must also be willing to forgive those who have wronged us. Finally, we ask him to protect us from all the tests of the evil one.

It is good that the disciples asked Jesus to teach them how to pray. We now benefit from Jesus’ lesson on prayer.

Lord Jesus, thank you for BRIDGING THE GAP created by sin between God and ourselves. Thank you for teaching us to communicate with him. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 220,869 total reads

 220,869 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 252,600 total reads

 252,600 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 354,424 total reads

 354,424 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 394,985 total reads

 394,985 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 406,821 total reads

 406,821 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 10, 2026

 979 total reads

 979 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 2,637 total reads

 2,637 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 4,335 total reads

 4,335 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

Miyerkules, Oktubre 7, 2026

 5,696 total reads

 5,696 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Martes, Oktubre 6, 2026

 6,731 total reads

 6,731 total reads Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Bruno, pari Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top