Paglingkuran ang pamayanan, hamon ni Archbishop Palma sa mga pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,455 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pastol ng arkidiyosesis sa tungkuling pagmimisyon sa kawang itinalaga sa kanilang pangangalaga.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa Chrism Mass ng arkidiyosesis nitong March 28 kung saan iginiit ni Archbishop Palma ang kahalaghan ng bokasyong kaloob na tinanggap ng mga pari.

Sinabi ng opisyal na dapat isaisip ng mga pari ang paglilingkod sa pamayanan, isabuhay ang mga turo ng Panginoon gayundin ang pagiging mabuting huwaran sa lipunan

“It is God who had chosen, who had called, and who had sent us to mission. This is a gift. But, this gift is not so much a call to dignity but it is the ministry of service. We are anointed that we may anoint others. We are made holy so that we will make others instruments also of other’s holiness,” ani Archbishop Palma.

Umaasa ang arsobispo na maging masigasig ang mga lingkod ng simbahan sa pagmimisyon upang higit mapagyabong ang pananampalataya ng mamamayang ipinagkatiwala sa kanilang pangangala.

Batay sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021 nasa 612 ang mga pari ng arkidiyosesis kung saan 362 ang diocesan.

Katuwang ni Archbishop Palma sa pangangasiwa sa arkidiyosesis na may halos limang milyong katoliko sina Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo gayundin ang Bishop Emeritus na sina Bishop Emilio Batacaln at Bishop Antonio Ranola.

Ginanap ang Chrism Mass sa Cebu Metropolitan Cathedral kung saan sinariwa ng mga pari ang kanilang priestly vows gayundin ang pagbabasbas sa mga banal na langis na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,665 total reads

 41,665 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,831 total reads

 91,831 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,702 total reads

 139,702 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,651 total reads

 243,651 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,622 total reads

 327,622 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top