Kapakanan ng manggagawa, ipinagdarasal ng opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,531 total views

Ipinapanalangin ng opisyal ng Archdiocese of Manila ang kapakanan ng mga manggagawa kasabay ng paggunita kay San Jose, manggagawa.

Ayon kay Caritas Manila executive director at Radio Veritas president, Fr. Anton CT. Pascual, nawa’y sa pamamagitan ni San Jose na patron ng nga manggagawa ay makita ang kahalagahan ng tungkulin ng mga manggawa sa pagkakaroon ng maunlad na lipunan.

“Sa ating mga manggagawa na siyang biyaya ng Diyos ang paggawa, nawa sa panalangin ni San Jose, Manggagawa—ang ating patron—atin pong pahalagahan ang kabanalan ng paggawa. Dito natin nakikilala ang ating sarili ang ating misyon, ang ating pagkatao, at ang plano ng Diyos sa ating buhay,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling naman ng pari na bigyan ng kaukulang pansin ng lipunan ang karapatan at kalagayan ng mga manggagawa sa bansa na patuloy na humaharap sa hamon ng iba’t ibang krisis.

Sinabi ni Fr. Pascual na karamihan sa mga manggagawa ang naapektuhan ng tatlong taong pag-iral ng coronavirus pandemic.

Gayundin ang patuloy na usapin sa pagbibigay ng sapat na sahod at kontraktwalisasyon ng mga manggagawa o Endo kaya’t nananatili ang antas ng kahirapan at unemployment rate sa bansa.

“Nawa’y bigyan diin ng lipunan ang kahalagahan ng paggawa. Anuman ang ginagawa natin, ito ay makabuluhan at marangal, at nagbibigay ng dignidad sa bawat isa,” ayon kay Fr. Pascual.

Batay sa huling ulat ng Philippine Statistics Authority, nananatili pa rin sa 4.8 percent o 2.47 milyon ang unemployment rate sa bansa nitong Pebrero 2023.

Mas mataas ito ng 102-libo sa ulat noong Enero nang kasalukuyang taon na umabot sa 2.37 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang hanapbuhay.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Exercens, binigyang diin nito ang pagpapahalaga sa dignidad ng manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,016 total views

 31,016 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,098 total views

 64,098 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 92,450 total views

 92,449 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,180 total views

 160,180 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 181,146 total views

 181,146 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top