Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kumpanyang nagmamay -ari sa mga barkong sangkot sa sea tragedies, panagutin

SHARE THE TRUTH

 2,222 total views

Nananawagan ang Alyansa Tigil Mina sa mga kumpanya ng mga sasakyang pandagat na sangkot sa magkakasunod na aksidente sa karagatan ng Pilipinas sa nakalipas na linggo.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, dapat panagutan ng mga kumpanya ang idinulot na pinsala ng mga nangyaring insidente sa karagatan sa buhay ng mga biktima at kalikasan.

“[We call on] proper compensation to the victims as well as an immediate impact assessment of the incidents on the coastal resources and coral reefs.” pahayag ni Garganera.

Tinukoy ni Garganera ang nangyaring banggaan sa pagitan ng 140-meter dredger MV Hong Hai 189 at 183-meter MT Petite Soeur noong ika-28 ng Abril, at kumitil sa buhay ng dalawang tauhan habang tatlo naman ang nawawala.

Sampung araw bago ito mangyari ay sumadsad naman ang Chinese-flagged bulk carrier MV Zhe Hai 168 sa dalampasigan ng Barangay Sulangan, Guiuan, Eastern Samar.

Iginiit ni Garganera na dapat nang mamagitan ang pamahalaan sa insidente lalo na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil ang nabanggit na mga sasakyang pandagat ay may kaugnayan sa ilegal na pagmimina at pagbubungkal sa karagatan sa bansa.

Hinamon ng ATM ang DENR na magpatupad ng moratoryo sa mga nasabing ilegal na gawain habang iniimbestigahan ang insidente.

“The recent maritime accidents should prompt the DENR to closely monitor ore shipment and dredging vessels. We call on the agency to impose a moratorium on these activities until a thorough evaluation is conducted.” ayon kay Garganera.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng taumbayan upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa mga ipinapatupad na batas para sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 8,375 total views

 8,375 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 24,464 total views

 24,464 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 62,239 total views

 62,239 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 73,190 total views

 73,190 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,124 total views

 18,124 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,125 total views

 18,125 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top