LUNES, HUNYO 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,884 total views

Paggunita kay San Bonifacio, obispo at martir

Tobit 1, 3; 2, 1a-8
Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad s’ya na may takot
sa D’yos na magandang-loob.

Marcos 12, 1-12

Memorial of St. Boniface, Bishop and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Tobit 1, 3; 2, 1a-8

Ang simula ng aklat ni Tobit

Sa buong bahay ko, akong si Tobit, ay nagsumikap na mamuhay nang matapat sa kalooban ng Diyos. Inugali ko ang pagkakawanggawa, at naglingkod ako sa aking mga kamag-anak at mga kababayan na kasama kong napatapon bilang bihag sa Ninive, Asiria.

Nang makabalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawa at anak ay panahon ng pagdiriwang ng Pentekostes, ang Pista ng Pitong Linggo, at hinandugan nila ako ng isang masarap na salu-salo. Nang makita kong nakahain na ang masarap na pagkain, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang wika ko, “humanap ka rito sa Ninive ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin siya rito at nang makasalo ko. Daliin mo. Hihintayin kita.”

Lumabas nga si Tobias upang humanap ng makakasalo ng kanyang ama. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!” “Bakit? Anong nangyari, anak?” tugon ng ama. “May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot ng anak. Dahil sa narinig ko’y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw. Matapos kong gawin ito, nagbalik ako sa amin, naglinis ng katawan, at kumaing nalulumbay. Noon ko nagunita ang pahayag ni Propeta Amos sa mga taga-Betel:

“Ang inyong pagdiriwang ay magiging pagdadalamhati
At ang inyong kasayahan ay magiging panaghuyan.”

Nanangis ako.

Paglubog ng araw, lumabas ako at humukay ng paglilibingan, at ibinaon doon ang bangkay. Sa ginawa kong ito, pinagtawanan ako ng aking mga kapitbahay. Ang sabi nila, “Hindi na ba nadala ang taong ito? Ipinadakip na siya para patayin sa ganito ring kasalanan; ngayo’y naglibing na naman!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad s’ya na may takot
sa D’yos na magandang-loob.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
Siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Mapalad s’ya na may takot
sa D’yos na magandang-loob.

Magiging sagana sa kanyang tahanan
katarungan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanang.

Mapalad s’ya na may takot
sa D’yos na magandang-loob.

Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.

Mapalad s’ya na may takot
sa D’yos na magandang-loob.

ALELUYA
Pahayag 1, 5ab

Aleluya! Aleluya!
Si Hesukristo ay tapat,
saksi at buhay ng lahat;
tayo’y kanyang iniligtas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
“Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’”

Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

May pagninilay sa hamon ng Panginoon sa Ebanghelyo tungkol sa tungkuling mamunga, ilagay natin sa harap ng Diyos Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin mo kaming kalugud-lugod sa iyo.

Ang mga namumuno ng Simbahan nawa’y makatanggap ng liwanag, kalakasan, at pag-alalay sa tungkuling paggabay sa mga sumasampalataya sa panahon ng kagipitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga pamilya nawa’y bigyang-pansin ang diwa ng panalangin upang mapuno ang ating mga isip ng kapayapaan at kasiyahan na nagmumula sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang dinaranas na pagsubok at kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namatay nawa’y makatagpo ng lugar sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ang iyong Anak ay ang “Batong tinanggihan.” Tinatanggap namin siya nang buong puso at may pananalig naming itinataas sa iyo ang aming mga kahilingan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,604 total views

 51,604 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,022 total views

 57,022 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,729 total views

 63,729 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 78,522 total views

 78,522 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,678 total views

 84,678 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 4,797 total views

 4,797 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 5,065 total views

 5,065 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 4,676 total views

 4,676 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 5,673 total views

 5,673 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 6,022 total views

 6,022 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 2,801 total views

 2,801 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 2,712 total views

 2,712 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 2,594 total views

 2,594 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 2,349 total views

 2,349 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 2,216 total views

 2,216 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 4,220 total views

 4,220 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 4,439 total views

 4,439 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 4,714 total views

 4,714 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 5,005 total views

 5,005 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 5,683 total views

 5,683 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top