SABADO, HUNYO 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,483 total reads

Sabado na Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Tobit 12, 1. 5-15. 20
Tobit 13, 2. 6. 7. 8

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Marcos 12, 38-44

Saturday of the Ninth Week in Ordinary Time (Red)

UNANG PAGBASA
Tobit 12, 1. 5-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

Noong mga araw na iyon, tinawag ni Tobit ang kanyang anak na si Tobias at sinabi, “Anak, huwag kalilimutang bayaran ang kasama mo. At dagdagan mo!” Matapos ang kanilang pag-uusap tinawag ni Tobias si Rafael, at sinabi rito, “Dalhin mo ang kalahati ng kayamanang dala natin at humayo kang payapa.”

Tinawag ni Rafael ang mag-amang Tobit at Tobias at sila’y nag-usap. Sinabi niya, “Salamat sa Diyos! Siya ang purihin nati’t dakilain. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao ang kanyang ginawa sa inyo. Umawit kayo ng pagpupuri at pasasalamat. Ihayag ninyo’t parangalan ang kanyang mga gawa at huwag kayong manghihinawa sa paggawa nito. Ang mga bagay na inililihim ng hari’y di dapat ibunyag, ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ipahayag upang siya’y parangalan at purihin. Gawin ninyo ang mabuti at di kayo madadaig ng masama. Mas mainam ang manalangin at magbigay-lugod sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa mahirap kaysa magpayaman at mandaya. Mabuti ang magkawanggawa kaysa mag-impok ng ginto. Ang gumagawa nito ay naliligtas sa kamatayan at dinadalisay sa bawat kasalanan. Hahaba ang buhay niya, ngunit ang nagugumon sa pagkakasala ay kaaway ng sarili niya.

“Kailangang malaman na ninyo ang katotohanan; wala akong ililihim sa inyo. Natatandaan ninyong sinabi ko na maaaring magtago ng kanyang lihim ang hari, ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ngang ipahayag. Ngayon ko sasabihin sa inyo na noong manalangin ka, Tobit, at ang manugang mong si Sara sa Panginoon, ako ang nagharap ng dalangin ninyo sa Diyos. Gayun din ang ginagawa ko tuwing may inililibing ka. Alam kong kahit ka kumakain ay iniiwan mo ang hapag para lamang maglibing ng patay. Bumaba ako rito para samahan ka. Ako rin ang sinugo ng Diyos para pagalingin ka at ang iyong manugang na si Sara. Ako si Rafael, isa sa pitong anghel na humaharap sa Diyos para maglingkod sa kanya.

“Tumayo kayo at magpuri sa Diyos, sapagkat ako’y aakyat na sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa inyo ay inyong isulat.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Tobit 13, 2. 6. 7. 8

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

D’yos ay nagpaparusa na taglay ang habag
kung tayo ma’y malibing, sa hukay masadlak,
muling hinahango niya’t binubuhay.
Walang makatatakas sa kanyang kapangyarihan.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Kaya ngayo’y alalahanin ninyo
ang ginawa ng Diyos at buong puso ninyong pasalamatan siya.
Purihin ang Panginoon, Diyos ng katarungan,
parangalan ang Haring walang hanggan.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Maging sa bansang pinagtapunan sa akin,
pupurihin ko ang Panginoon.
Maging sa bansang makasalana’y dadakilain ko siya.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

Talikdan na ninyo ang inyong mga kasalanan
at mamuhay kayo nang karapat-dapat sa harapan niya.
Kung magkagayon, ang habag ng Panginoon ay inyong madarama.

Ang Diyos na walang hangga’y
atin ngayong papurihan.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na mahilig maglalakad nang may mahahabang kasuutan at natutuwang pagpugayan sa mga liwasan. Ang ibig nila’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang mga upuang pandangal sa mga piging. Inuubos nila ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkala’y ang pagdarasal nang mahaba! Lalo pang bibigat ang parusa sa kanila!”

Umupo si Hesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mayroon tayong iisang Ama sa lahat, at iisang Guro, ang kanyang bugtong na Anak. Dumulog tayo sa ating Ama para sa lahat ng kanyang mga anak sa mundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang mga tumatanggap ng sakramento ng orden para sa banal na paglilingkod nawa’y maging tapat at totoo sa kanilang pagtatalaga ng sarili sa Diyos at sa Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maibigay ang mabuti at magaling na serbisyo sa tao at hindi unahin at paglingkuran ang kanilang sariling kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kababaang-loob ni Kristo nawa’y pumigil at magpasuko sa kapalaluan at pagkukunwari ng mga taong may matayog na pagtingin sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumanggap ng banal na pagbubunyag bilang mensahe ng Diyos sa bisa ng kanyang kapangyarihan at hindi ayon sa kaisipan lamang ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapayapaan sa Muling Nabuhay na Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos at Ama ng lahat ng sangkatauhan, itinataas namin sa iyo ang mga panalangin ng mga sumasampalataya sa iyo, gayundin ang mga hindi pa nakaririnig ng iyong banal na ngalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 36,833 total reads

Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa “discretionary lines”,bilyong piso sa mga ghost projects.

Tayong mga Pilipino ang laging pumapasan sa “systemic tax” na ipinapataw habang ang kaban ng bayan ay pinagpapartehan ng mga sakim na opisyal ng bayan.

Papaano matitigil ang endemic na corruption kung ang mismong nag-apruba sa pambansang budget ay bihasa sa budget insertions? Sa salita, paulit-ulit nating naririnig sa pangulo ng bansa., sa mga mambabatas, wawakasan nila ang nagiging kultura ng korapsyon. Walang nangyari, taon-taon balik uli sa dating script, kickback dito, kickbacks doon. Walang napaparusahan, walang accountability!

Kapanalig, ang tunay na anti-corruption reform ay nangangailangan na basagin at ituwid ang “loopholes” sa paggamit sa pera ng taumbayan, parusahan ang mga tiwaling opisyal bago pa maglaho ang pera ng bayan.

Sa budget deliberations ng Kongreso nagaganap ang budget insertions at triple-triple ang confidential at unprogrammed allocations na nakakalusot sa matinding public debate. Kahit masilip ang iregularidad, umaabot ng ilang administrasyon ang imbestigasyon pa lamang, sa tagal nadidismis ang kaso, o kaya watered-down ang parusa, sa huli: recycled na mga opisyal.

Para sa isang ordinaryong Pilipino, ang katiwalian ay hindi isang legal na usapin. Ang sentimo., ang bawat piso na napunta sa kickbacks, overpriced na government contract., ghost projects ay perang ninakaw mula sa masikip na silid-aralan, walang ponding barangay health centers, mga commuters na nagtitiis sa depektibong mass transit.

Kapag nakakaligtas sa accountability ang matataas na opisyal ng gobyerno habang ang mga ordinaryong mamamayan ay pinapatawan ng matinding penalties sa napakaliit na pagkakasala, ang tiwala sa demokratikong institusyon ay nawawala.

Kapanalig, para matigil na ang cycle of corruption, kailangan ang konkretong institutional na pagkilos sa halip na recycled slogans. Kailangan din ang matinding pagbabantay sa budget deliberations ng Senado sa 7.2-bilyong pisong 2027 national budget at bicameral conference committee para matiyak na mapupunta sa serbisyo publiko ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Napananahon na ring magiging accessible ang procurement portals ng alinmang sangay ng pamahalaan sa mga mamamahayag, journalists, watchdog at mamamayang Pilipino upang manumbalik ang kultura ng honesty sa gobyerno.

Harinawa Kapanalig, manaig at maisabuhay ng bawat opisyal ng bayan at maging ng mga Pilipino ang sinasabi ng Philippians 2:3-4: “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.”

Sumainyo ang Katotohanan.

HOW PRIVATE IS A PRIVATE DIARY?

 7,861 total reads

There is something about the recently published The Private Diary of Pope Francis that makes me feel a little uneasy. There is almost an irony in the title itself. What was private has now been made public.

Reading those brief entries, sometimes consisting of only two or three lines, I get the impression that what we have here is not so much a diary as a spiritual journal.
I wish a fellow Jesuit of Francis could explain to us the Ignatian practice of reviewing one’s prayer in what Jesuits call a “consciousness examen.” Much like the cooling-down period after a strenuous run, it is a moment of quiet attentiveness to what has transpired during one’s encounter with God. One takes note of interior movements, consolations and desolations, as material for the discernment of spirits.

These are not necessarily settled convictions or considered judgments about oneself or others. They are the raw material of spiritual discernment.

I wonder how these entries might be understood by readers unfamiliar with this spiritual discipline. Taken out of their prayerful context, they could easily be misinterpreted.

I am not questioning the good intentions behind the publication. Nor do I know how much of this Francis himself would have wanted to share with the public.

But there is something almost sacred about the intimacy of a person’s encounter with God. Reading these pages, I sometimes feel like an intruder in a sanctuary where someone has taken off his sandals.

Perhaps I should take off mine, too.

DESTRUCTION

 9,178 total reads

Gospel Reading for November 26, 2026 – Luke 21: 20-28

DESTRUCTION

“When you see Jerusalem being surrounded by armies, you will know that its desolation is near. Then let those who are in Judea flee to the mountains, let those in the city get out, and let those in the country not enter the city. For this is the time of punishment in fulfillment of all that has been written. How dreadful it will be in those days for pregnant women and nursing mothers! There will be great distress in the land and wrath against this people. They will fall by the sword and will be taken as prisoners to all the nations. Jerusalem will be trampled on by the Gentiles until the times of the Gentiles are fulfilled.

“There will be signs in the sun, moon and stars. On the earth, nations will be in anguish and perplexity at the roaring and tossing of the sea. People will faint from terror, apprehensive of what is coming on the world, for the heavenly bodies will be shaken. At that time they will see the Son of Man coming in a cloud with power and great glory. When these things begin to take place, stand up and lift up your heads, because your redemption is drawing near.”

————

The DESTRUCTION of Jerusalem by the Romans in 70 CE was very frightening even to think about because it brought widespread starvation, enslavement, displacement, and disease. To this day, the exact number of deaths has not been established, but a great number of people were killed. Jesus knew this would happen, which is why he wept over Jerusalem (Luke 19:41-44). He could not help but weep because they were his countrymen, even though he knew that he would suffer at their hands.

What Jesus mentions next is even more frightening because it speaks of the DESTRUCTION of the whole earth, when all nations will be in anguish.

With what is presently happening around the world, not only wars but also the degradation of life and moral values, people are saying that the end is near.

Jesus tells us that we need not be frightened when these things take place. Instead, we are to stand up and lift up our heads because our redemption is near.

Lord Jesus, may we be among those who will eagerly await your coming in power and glory. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 36,834 total reads

 36,834 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 178,522 total reads

 178,522 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 294,299 total reads

 294,299 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 413,403 total reads

 413,403 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 41,646 total reads

 41,646 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 44,167 total reads

 44,167 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 46,251 total reads

 46,251 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 44,770 total reads

 44,770 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 45,870 total reads

 45,870 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top