MIYERKULES, HUNYO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,588 total views

Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos

2 Corinto 9, 6-11
Salmo 111, 1-2. 3-4. 9

Mapalad s’ya na may takot
sa Diyos na magandang-loob.

Mateo 6, 1-6. 16-18

Memorial of St. Aloysius Gonzaga, Religious (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 9, 6-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan — upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan:

“Siya’y namudmod sa mga dukha;
walang hanggan ang kanyang kabutihan.”

Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong pagtulong na dadalhin ko sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 3-4. 9

Mapalad s’ya na may takot
sa Diyos na magandang-loob.

o kaya: Aleluya.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Mapalad s’ya na may takot
sa Diyos na magandang-loob.

Magiging sagana sa kanyang tahanan
katarungan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanag.

Mapalad s’ya na may takot
sa Diyos na magandang-loob.

Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.

Mapalad s’ya na may takot
sa Diyos na magandang-loob.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 1-6. 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagkamaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Manalangin tayo sa Diyos ng katotohanan at pag-ibig para sa mga biyaya ng katotohanan at katapatan sa Simbahan at sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin mo kaming malinis sa iyong paningin, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y isaloob ang gawain at misyon ng pagpapanibago upang malinaw na maunawaan ng lahat si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari at mga relihiyoso nawa’y maging mga masigasig na tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang sariling buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod pangmamamayan at komunidad nawa’y maging tapat at hindi makasarili sa kanilang gawain ng paghahatid ng katarungan, karangalan, at pagkakaisa sa mga taong kanilang pinaglilingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang di-karaniwang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga kapamilyang nag-aalala sa kanilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa walang hanggang kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ibigin at paglingkuran ka sa diwa ng katotohanan sa pamamagitan ni Jesus na aming Daan patungo sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 128,393 total views

 128,393 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 158,615 total views

 158,615 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 185,263 total views

 185,263 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 280,236 total views

 280,236 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 292,965 total views

 292,965 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 14, 2026

 183 total views

 183 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 1,393 total views

 1,393 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

Linggo, Hulyo 12, 2026

 2,567 total views

 2,567 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 10-11 Salmo 64, 10abkd. 10e-11. 12-13. 14 Nagbunga nang masagana, binhi sa mabuting lupa. Roma

Read More »

Sabado, Hulyo 11, 2026

 3,896 total views

 3,896 total views Paggunita kay San Benito, abad Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33

Read More »

Biyernes, Hulyo 10, 2026

 5,313 total views

 5,313 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top