BIYERNES, HUNYO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,697 total reads

Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 11, 18. 21b-30
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Mateo 6, 19-23

Friday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 11, 18. 21b-30

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, yamang marami ang nagmamapuri tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magmamapuri.

Kung may nakapagmamapuri, ako’y makapagmamapuri din — ako’y nagsasalitang tulad ng isang mangmang. Sila ba’y Hebreo? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Lipi ba sila ni Abraham? Ako’y gayun din. Sila ba’y mga lingkod ni Kristo? Nagsasalita akong waring isang baliw, ngunit ako’y mas mabuting lingkod ni Kristo kaysa kanila. Higit ang aking pagpapagal; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. Makalima akong tumanggap ng tatlumpu’t siyam na palo mula sa mga Judio, tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsang binato. Maikatlo kong naranasang mawasak ang barkong sinasakyan at minsa’y maghapo’t magdamag akong lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nasuong ako sa iba’t ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid. Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, matinding gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal. Bukod sa lahat ng iyan, inaalaala ko pa araw-araw ang mga simbahan. Kung may nanghihina, karamay nila ako; at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang kalooban ko.

Kung kailangang ako’y magmapuri, ang ipagmamapuri ko’y ang aking mga kahinaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Hinahamon tayo ni Jesus na mag-ipon ng kayamanan sa Langit kaysa kayamanan sa lupa. Ituon natin ang ating mga puso sa kalangitan sa ating pananalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maghari ka sa aming mga puso.

Ang Simbahan nawa’y gawing malaya ang mga kalalakihan at kababaihan sa pagkaalipin sa materyalismo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na pinahahalagahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pulitiko at lingkod pangmamamayan nawa’y magsimula ng mga programa at proyekto sa kabuuang pag-unlad ng lipunan at kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong pinagkatiwalaan ng higit na kayamanan nawa’y mapagtanto ang kanilang katayuan bilang mga tagapangalaga lamang at hindi mga lubos na nagmamay-ari ng mga biyayang kanilang angkin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagkaitan ng mga bagay sa mundong ito nawa’y mapagtanto ang kagandahan ng pagtutuon ng kanilang puso sa makalangit na kayamanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, hindi nagbabago o kumukupas ang iyong pag-ibig sa amin. Bigyan mo kami ng lakas at tapang na lumakad sa iyong presensya sa araw-araw ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Bagong mukha ng Boracay

 21,289 total reads

Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay patuloy na dinarayo ng mga turista. Pero ang mukha ng Boracay na kilala natin ay mapapalitan na. Nagbukás na kasi roon ang isang casino. Ginanap ang soft opening nito noong Setyembre 16, habang ang grand launch ay nito lamang Linggo, Oktubre 11. May shopping mall ding magbubukás doon ngayong taon.

Ang Boracay ay isang lugar para magbakasyon, magpahinga, magsaya, at mamangha sa ganda ng kalikasan. Kapag naglagay doon ng casino at malalaking establisimyento, binabago na rin ang mismong imahe ng lugar na pangunahing rason kung bakit pumupunta roon ang mga tao. Hindi rin dapat kalimutan na family vacation destination ang Boracay. Ito ay lugar para mapalapit at magsama-sama ang pamilya. Ibang-iba ito sa layunin ng isang casino na ineengganyo ang mga tao na tumayâ at gumastos. Alam din nating dahil sa mga casino, marami nang kaso ng pagkalulóng o adiksyon sa pagsusugal, pagkawala ng perang nakalaan dapat para sa pamilya, at pagkasira ng tiwala sa loob ng tahanan.

Ito ang ipinunto ng Diyosesis ng Kalibo sa kanilang pastoral statement ukol sa pagtatayo ng casino sa Boracay. Iginiit ng mga pastol ng Simbahan doon na hindi naman masama ang paglalaro, pero nagiging mali ito kapag nauuwi sa pagkakait sa sarili o sa kapwa ng mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang panganib na ibinababala ng Simbahan. Ang pagka-casino ay idinisenyo para akitin ang mga taong maghangad pa kapag nananalo at magbakasakali pa kapag natatalo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahan kasama ang mga residente sa pagkakaroon ng casino sa Boracay. Taóng 2018 nang unang lumutang ang plano. May mga pangamba na sa mabilis na pagbabago sa isla, lalong masisira ang kalikasan. Kasama pa nilang tumutol noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa parehong taon, isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan para sa malawakang rehabilitasyon. Pero noong 2021, binawi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon laban sa casino at pinayagan niya ang operasyon nito sa Boracay. Sinalubong ito ng pagtutol mula sa mga residente, negosyante, at lokal na Simbahan. Sa dami ng isinakripisyo noon upang maisalba ang isla, mauuwi lang pala ulit sa parehong uri ng pagbabago na dati nang naglagay sa Boracay sa alanganin.

Sabi sa Genesis 2:15, ginawa ng Diyos ang tao upang “alagaan at ingatan” ang Kanyang mga nilikha. Hindi tayo ang may ganap na pag-aari sa kalikasan. Tungkulin nating protektahan at panatilihin ito para sa mga susunod na henerasyon. Ang Boracay ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Dapat natin itong alagaan at ingatan.

Mahalaga ang pag-unlad, trabaho, at turismo, pero hindi dapat maging kapalit ng mga ito ang kapaligiran at pagkakakilanlan ng Boracay. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos. Bawat isa ay inaasahang gamitin nang tama ang kalayaang mamili para hindi malulong sa pagsusugal. Ang pamahalaan ay inaasahang gumawa ng mga desisyong isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente at kalikasan. Ang mga negosyo naman ay  pinaaalalahanang hindi lang sa kita umiikot ang kanilang paglago. May pananagutan din sila sa komunidad at sa kalikasan.

Mga Kapanalig, tinatawag nating paraiso ang Boracay dahil sa ganda nito. Huwag sana nating hayaang dumating ang panahon na ang paraisong ito ay maalala bilang lugar ng mga sugalan at bisyo. Ang pagtutol sa ganitong establisimiyento ay hindi pagtutol sa kaunlaran. Ito ay paninindigan na ang kaunlaran ay dapat may limitasyon, at hindi dapat sumisira sa biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na payabungin.

Sumainyo ang katotohanan.

TRULY BLESSED

 7,280 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 7,666 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,291 total reads

 21,291 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,071 total reads

 58,071 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,341 total reads

 284,341 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,808 total reads

 177,808 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,691 total reads

 270,691 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 1,510 total reads

 1,510 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 3,431 total reads

 3,431 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 4,594 total reads

 4,594 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 6,194 total reads

 6,194 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 6,173 total reads

 6,172 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top