Pangalagaan ang “last ecological frontier”, panawagan ng Palawan Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,073 total reads

Isang malaking pananagutang moral ang maging mabuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Ito ang bahagi ng bukas na liham ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Taytay, Palawan bilang pagpapahayag at panawagan ng pagmamalasakit sa mga likas na yaman ng lalawigan.

“Katangi-tangi ang likas na kagandahan at likas na kayamanan ng Palawan kaya nararapat lamang na natatangi rin ang pagkalinga sa Kanya upang matiyak na ang napapakinabangan natin ngayon ay matamasa pa rin ng mga susunod na henerasyon.” ayon sa liham.

Nilagdaan ito nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich, at lahat ng pari ng parehong apostoliko bikaryato.

Binigyang-diin sa liham na tulad ng ibang lugar sa rehiyon ng MIMAROPA na nagsikap na maipasara ang minahan, nawa’y maitaguyod din ang higit na pagsisikap na mapangalagaan ang itinuturing na ‘Last Ecological Frontier’ ng Pilipinas.

Ikinalulungkot ng mga Obispo at pari ng dalawang apostoliko bikaryato ang kalagayan ng mga katutubo at magsasaka ng lalawigan na direkta at higit na apektado ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng pagmimina.

Kaya naman isinusulong ng lokal na simbahan ang makatotohanang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan na may pagmamalasakit lalo na sa mga mahihirap; Pagbabawal sa pagpapalawig, pagpapalawak at pagbubukas ng mga minahan; at hikayatin ang mga kinauukulan na managot sa pagpapanumbalik ng mga nasirang likas na yaman.

Panawagan ding tutukan ang mga programa sa agrikultura at turismo, at higit pang pagpapalaganap ng kahalagahan ng mga likas na yaman ng Palawan.

“Iisa lamang ang ating lalawigan. Dapat natin itong pahalagahan at pangalagaan. Tayo nawa’y maging daan ng pagkakaisa at pagkakasundo dahil lahat naman tayo ay iisa lamang ang layunin – para sa mamamayan at alang-alang sa ating Palawan.” ayon sa liham

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 106,498 total reads

 106,498 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 141,176 total reads

 141,176 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 164,314 total reads

 164,314 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 200,800 total reads

 200,800 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 212,365 total reads

 212,365 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 88,176 total reads

 88,176 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top