Karaniwang Filipino, Saan ka Pupunta?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total views

Kapanalig, dati rati, simple lamang ang mga phases o yugto ng buhay ng karaniwang Filipino. Noon, ang mga bata ay malayang nakakapaglaro sa lansangan, nakakapag-aral, at pag nakatapos ng pag-aaral, trabaho naman ang hahanapin. Dati rati, ang edukasyon ay sapat ng susi sa simple at maayos na pamumuhay sa kalaunan.

Ngunit sabay ng yugto ng ating buhay ay ang mga yugto naman ng global, rehiyonal at pangnasyonal na kasaysayan. Naranasan natin ang agricultural age, na naging industrial age, lalo na sa mga developed countries, at ngayon nasa information o digital age na tayo. Sa pagdaloy ng mga yugto itong, maraming mga Filipino ang naiwan sa agrikultura, ang iba, namamayagpag sa industriya, at marami rin ang bumabaybay sabay sabay ng buhay agrikultura, industriya at digital. At sa pagbaybay na ito, marami ang nawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo gaya ng edukasyon.

Ang information age, na ating nararanasan ngayon, ay hindi nagbubura ng industriya at agrikultura, kapanalig. Ito ay nagbibigay ng panibagong aplikasyon sa ating nakagawiang gawain. Sa ganitong panahon, ang impormasyon ang prime commodity o pangunahing produkto. Maari payabungin ng impormasyon ang agrikultura at industriya sa pamamagitan ng research and development, mas mabilis na capacity building at information sharing, at modernisasyon. Kaya lamang, kapanalig, napakalawak pa ng digital divide sa ating bansa.

Ayon sa Department of Science and Technology, tinatayang 60% ng ating populasyon ay walang direktang access sa Internet. Mabuti na lamang, ang teknohiya ay praktikal. Ang dating mga nilalaman na programa ng mga computers ay kaya na ring malagay sa mga smartphones ngayon.

Kaya nga’t ang dating simpleng pangarap nating mag-aral, na naging inaccessible sa marami dahil sa iba ibang salik gaya ng pera, lokasyon, at karahasan, ay abot kamay na rin sana para sa marami dahil sa teknolohiya. May mga webinars, may mga online libraries, may mga unibersidad din na nagbibigay ng iba’t ibang kurso at programa online. Kaya lamang kapanalig, hanggang dito, tila dehado ang karaniwang Pilipino. Sa ganitong sitwasyon, saan na pupunta ang karaniwang Pilipino? Maiiwanan na lang ba siya ng bawat yugto ng ating kasaysayan?

Ayon sa United Nations anumang karapatan natin sa impormasyon offline ay gayun din online. Pantay pantay dapat tayo kahit saan, kahit kelan. Kapanalig, kung ang karaniwang Pilipino ay walang access sa mga serbisyo na magpapayabong ng kanyang buhay, parang kinahon na natin siya sa buhay maralita, walang kinabukasan, walang pupuntahan. Maging hamon sana sa atin ang mga kataga mula sa Sacramentum Caritatis, “Lahat tayo ay anak ng iisang Ama, ang ating Panginoon… Lahat ng biyaya at regalo ng sangkalikasan ay para sa ating lahat.”

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 18,817 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 18,919 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 86,113 total views

 86,113 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 155,507 total views

 155,507 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 186,791 total views

 186,791 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 218,804 total views

 218,804 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 366,568 total views

 366,568 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 86,115 total views

 86,115 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 155,509 total views

 155,509 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 186,793 total views

 186,793 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 218,806 total views

 218,806 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top