BEC, hinamong lumikha ng trabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total reads

Hinamon ng CBCP–Permanent Committee on Public Affairs ang mga Basic Ecclecial Communities o mga komunidad sa mga parokya na magtulungan upang makapag – likha ng programa sa mga walang trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, napapanahon na palakasin ang presensya ng mga BEC ngayong ipinagdiriwang ang Taon ng mga Parokya na matulungan ang mga walang trabaho sa kanilang lugar.

Iginiit pa ni Archbishop Arguelles na kung mabibigyan lamang ng tamang programa ang mga komunidad lalo na sa pagsasaka at paglikha ng mga kooperatiba ay hindi na makikipag–sapalaran ang iba na magtrabaho sa mga dayuhang negosyante sa bansa.

“Tayo’y magtulong–tulungan di ba ang tema ng taon natin ngayon ay ‘Communion of Communitites.’ Ang pinagtitibay diyan lalo ay ang Basic Ecclesial Community huwag na tayong na ang trabaho ba natin ay umaasa tayo kina Henry Sy,
kina Lucio Tan. Trabaho tayo ng trabaho sa kanila ay sila lang naman ang yumayaman. Ang dapat ay magkaisa ang mga maliliit na tao at magtulungan,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi pa ni Archbishop Arguelles na kung magbabahaginan lamang ng kakayanan ang bawat isa ay makaka–iwas na ang bansa sa pananakal ng ilang gahamang negosyante na lumalabag pa sa ilang karapatan ng mga manggagawa.

“Ang trabaho ay hindi naman manggagaling kina Lucio Tan andiyan iyan magtanim tayo, magtulung–tulung tayo iyan ang mahalaga diyan magbahaginan ng ating kakayanan. Ang trabaho ay hindi lamang nakakapit tayo sa mga dayuhan mas mahal ang kinukuha nila sa atin at lahat ng injustice ay nasa atin at tayo ay pinapataw ang mahalaga magtulungan at magsikap ang lahat para mapabuti ang bawat isa,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.

Samantala, lumiit na ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy sa bansa, batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS)—naitalang pinakamababa sa nakalipas na siyam na taon.

Natukoy sa survey, na isinagawa nitong Setyembre 24-27, na bumaba sa 18.4 na porsiyento ang joblessness rate, o nasa 8.2 milyong adult na Pinoy ang walang trabaho sa ngayon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,703 total reads

 79,703 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,840 total reads

 157,840 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,288 total reads

 191,288 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,584 total reads

 226,584 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,929 total reads

 449,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,511 total reads

 298,511 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,363 total reads

 409,363 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top