SABADO, SETYEMBRE 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,231 total views

Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Pedro Claver, pari
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Colosas 1, 21-23
Salmo 53, 3-4. 6 at 8

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Lucas 6, 1-5

Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 21-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, dati, kayo’y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa niya kayong mga kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang kapintasan, banal, at walang batik. Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 53, 3-4. 6 at 8

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Makapangyarihang Diyos, ako ay iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas;
dinggin mo, O Diyos, itong iyong anak,
sa aking dalanging ngayo’y binibigkas.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Batid kong ang Diyos ang aking katulong,
tagapagsanggalang ko ang Panginoon.
buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat sa Panginoong Diyos,
dahilan sa kanyang mabuting kaloob.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 1-5

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Ama na umangkin sa atin bilang kanyang mga malayang anak kay Jesu-Kristo, na kanyang bugtong na Anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sagipin nawa kami ng iyong Salita, O Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y kilalanin ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa kasalanan at kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga may tungkulin sa pagpapatupad ng batas at sa gobyerno nawa’y unahin ang kabutihan ng mga tao kaysa sa mga pinagkakaabalahan ukol sa batas, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsamba sa Diyos na hindi natin nakikita, nawa’y hindi natin malimutan ang nangangailangan nating mga kapatid na ating nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagdurusa sa iba’t ibang pisikal at espiritwal na karamdaman nawa’y hilumin ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mamahinga sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ang bawat batas mo nawa’y maging paanyaya sa amin upang mahalin at paglingkuran ang aming mga kapatid, unawain sila, igalang, at gabayan upang maging gabay rin namin sila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 11,850 total views

 11,850 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 35,009 total views

 35,009 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 56,284 total views

 56,284 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 228,005 total views

 228,005 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 634 total views

 634 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 1,729 total views

 1,729 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 1,729 total views

 1,729 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 1,360 total views

 1,360 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 691 total views

 691 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top