Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 210,528 total reads

Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan. 

Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon ng gobyerno sa mga kababayan nating nasalanta ng masamang panahon dahil sa habagat. Hindi ito dahil napagtanto niyang hindi angkop para sa isang mataas ng opisyal ng gobyerno na mamasyal sa ibang bansa habang lubog sa baha o natabunan ng gumuhong lupa ang maraming lugar. 

Dahil ito sa pagsasapubliko ng Malacañang sa travel authority na ibinigay sa kanya.  

Naka-schedule ang personál na biyahe ni VP Sara sa Japan mula August 19 hanggang 24. Kahit na sariling gastos ng bise presidente ang pagpunta niya sa ibang bansa, kailangan pa rin itong aprubahan ng Office of the President. Inilabas ng Palasyo ang travel authority dalawang araw bago ang kanyang pag-alis, bagay na napag-alaman matapos tanungin ng media sa isang press conference. 

Hindi ito nagustuhan ni VP Sara. Kinabukasan, August 18, pinakansela ng kanyang opisina ang travel authority na ibinigay sa kanya. Nagbago na raw ang plano ng bise presidente, sabay paalala sa Office of the President na “serious concern” ang pagsasapubliko nito ng schedule ng pangalawang pangulo. Sinabi pa ni VP Sara sa isang pahayag na ang ginagawang ito ng Malacañang ay naglalagay sa kanyang personal na seguridad sa alanganin. Nalalantad daw siya sa panganib. 

Dagdag pa niya, “Transparency and accountability should not be demanded from a single government office alone.” Dahil sa nangyaring ito, inaasahan daw niyang isasapubliko rin ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga pinahihintulutang biyahe ng Malacañang, kabilang na ang halaga ng gastos ng mga opisyal na binibigyan ng travel authority. 

Tama naman si VP Sara: lahat ng opisyal ng gobyerno—mula kay Pangulong Bongbong Marcos hanggang sa mga iniluklok natin sa ating mga pamahalaang pambarangay—ay dapat na maging transparent at accountable. Transparent dapat sila; ibig sabihin, bukás sa publiko ang mga ginagawa nila. Walang itinatago sa taumbayan. Accountable dapat sila; ibig sabihin, dapat malinaw na naipaliliwanag ng mga opisyal ang mga desisyon at hakbang na ginagawa nila. Kung may nagawa silang mali o kapabayaan, obligasyon nilang sumagot at tanggapin ang kaukulang parusa. 

Mas magiging tama si VP Sara kung siya mismo ang magiging halimbawa ng mga lingkod-bayang transparent at accountable. Lead by example, ‘ika nga.

Mahalaga para sa ating Simbahan ang pagiging mabuti at totoong halimbawa ng mga taong pinagkatiwalaan nating mamuno sa ating bansa. Ang kapangyarihang hawak nila ay hindi pribilehiyo; isa itong anyo ng paglilingkod. “True power is service,” sabi nga ng yumaong Pope Francis. Malinaw dapat sa mata ng publiko ang mga ginagawa ng ating mga lider. Tanggap nila ang pag-usisa sa mga ito: Saan ginagastos ang pera ng bayan? Sang-ayon ba sa batas at mga patakaran ang mga ito? Sinu-sino ang mga pinagbigyan nito? Totoong tao ba sila? Nakamit ba ang inaasahang mangyari? Maayos bang nakadokumento ang lahat ng transaksyon?

Kayang sagutin ang mga tanong na ito ng isang lider na transparent at accountable. Ang ganitong lider din ang may karapatang manitá sa kapwa nilang opisyal sa gobyerno—mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa mga nasa barangay. Ang transparent at accountable na lingkod-bayan ay handang humarap sa mga ligal at konstitusyunal na proseso ng pagpapanagot, gaya ng impeachment.

Mga Kapanalig, sabi nga sa 1 Pedro 5:2-3, “Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan.” 

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,495 total reads

 13,495 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,729 total reads

 50,729 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 276,999 total reads

 276,999 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,466 total reads

 170,466 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,819 total reads

 263,819 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 13,496 total reads

 13,496 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,730 total reads

 50,730 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,000 total reads

 277,000 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,467 total reads

 170,467 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top