Diocesan Synodal Pastoral plan, inilunsad ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,289 total reads

Ilulunsad ng Diocese of Virac ang unang taon ng kanilang Diocesan Synodal Pastoral Plan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pakikilahok, pakikipag-ugnayan at sama-samang paglalakbay ng mga mananampalataya sa buhay at misyon ng Simbahan.

Isasagawa ang paglulunsad sa Solemn Thanksgiving Mass sa August 27, sa ganap na alas-singko ng hapon sa Immaculate Conception Cathedral sa Virac, kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis.

Pangungunahan ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang Banal na Misa, na bahagi rin ng paggunita sa Solemnity of the Dedication of the Immaculate Conception Cathedral.

Ayon sa diyosesis, ang Synodal Pastoral Year 2026–2027 ay nakatuon sa “participation and formation” o aktibong pakikilahok at paghubog sa pananampalataya ng bawat kasapi ng Kristiyanong pamayanan.

Tampok sa opisyal na logo ng pastoral year ang mapa ng Catanduanes, Eukaristiya, simbahan, bukas na Bibliya, pastoral staff at mga taong magkakasamang naglalakad.

Kinakatawan ng mga taong naglalakad ang diwa ng synodality na sama-samang paglalakbay ng sambayanan ng Diyos at nagbibigay-diin sa pagkakaisa, pakikilahok at paninindigang “walang maiiwan.”

Itinatampok naman ng bukas na Bibliya ang Salita ng Diyos bilang pundasyon ng pananampalataya, paghubog at pagiging alagad, habang ang Eukaristiya sa sentro ng logo ay sumasagisag kay Kristo bilang puso at bukal ng buhay at misyon ng Simbahan.

Samantala, ang mga kamay na may hawak sa pastoral staff ay sumasagisag sa “shared responsibility” o magkatuwang na pananagutan ng buong sambayanan ng Diyos sa misyon ng Simbahan.

Sa paglulunsad ng pastoral plan, hinihikayat ng diyosesis ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko ng Catanduanes na makiisa bilang isang pamayanan sa panibagong yugto ng kanilang pastoral journey.

Layunin ng unang taon ng Diocesan Synodal Pastoral Plan na higit pang mapalalim ang pakikinig sa isa’t isa, pakikilahok sa buhay ng Simbahan, at paghubog ng mga mananampalataya upang sama-samang maisabuhay ang misyon ng Simbahan.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Luisito Occiano ang diyosesis, at siya rin ang namumuno sa Office on Synodal Transformation ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nangangasiwa sa pagpapatupad ng synodality sa lokal na simbahan sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,779 total reads

 15,778 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,880 total reads

 52,880 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,150 total reads

 279,150 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,617 total reads

 172,617 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,856 total reads

 265,856 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top