Protektahan ang mga bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 820 total reads

Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril noong Agosto 18. Ito ang pangalawang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa loob lamang ng dalawang buwan. 

Nanawagan ang Department of Education (o DepEd) sa media, vloggers, content creators, at publiko na huwag mag-post, magbahagi, o magpakita ng mga video at larawan na nagpapakita ng insidente at ng mga naging bunga nito. Ayon sa DepEd, maaari nitong dagdagan ang trauma na nararanasan ng mga biktima, kanilang mga pamilya, at buong komunidad.

Naglabas din ang ilang organisasyon ng media ng pahayag na dapat itrato ang mass shooting katulad ng suicide. Dapat iwasang bigyan ng labis o paulit-ulit na atensyon ang gumawa ng pag-atake, at huwag maglahad ng mga detalyeng hindi naman kailangang malaman ng publiko. Nanawagan sila sa mga kasamahan nila sa media na maging maingat at responsable sa kanilang pagbabalita.

Nangagamba rin ang mga psychiatrists at eksperto sa usaping mental health sa patuloy na pagkalat ng mga video ng insidente sa social media. Anila, may masamang epekto ang paulit-ulit na pagkakalantad sa gumawa ng pag-atake at sa mismong insidente. Dapat daw maging maingat sa pagtalakay sa ganitong mga pangyayari dahil maaari nitong dagdagan ang anxiety at takot ng mga tao.

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mas malawak na tugon sa karahasan sa mga paaralan, kabilang ang suporta sa mental health ng kabataan, intervention para sa mga pamilya, at mga konkretong hakbang para sa kaligtasan sa paaralan. May mga panawagan ding suriin ang mga batas tungkol sa pagmamay-ari ng baril.

May mahalagang papel din ang mga paaralan sa paglikha ng ligtas na pisikal at emosyonal na kapaligiran. Makatutulong ang pagkaroon nila ng malinaw na sistema para sa pag-uulat ng bullying, pang-aabuso, at iba pang panganib na maaaring mag-udyok sa mga estudyanteng maging marahas. Sapat na suporta din ang dapat ibigay sa mga mag-aaral at guro. Kaya nangako ang DepEd na magbibigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga apektadong estudyante, staff, at pamilya.

Sa tahanan naman, mahalagang maging mapagmatyag ang mga magulang sa mga nakikita at napapanood ng kanilang mga anak. Paalala ni Pope Francis na dapat subaybayan ng mga magulang kung anu-ano ang mga bagay at impluwensiyang pinapapasok nila sa buhay ng kanilang mga anak, tulad ng mga napapanood sa telebisyon at gadgets, at ng mga taong nakakasalamuha at nakakasama nila.

Sa pagharap natin sa trahedyang ito, huwag nating kalimutan ang mga taong higit na nangangailangan ng ating atensyon—ang mga biktima, kanilang mga pamilya, at ang buong komunidad na patuloy na nagdurusa. Maging maingat tayo sa impormasyong ibinabahagi, lalo na sa social media. May responsabilidad tayong huwag magpalaganap ng sensitibong larawan, tsismis, o fake news na lalo lamang makasasakit sa mga biktima at kanilang pamilya. Hindi natin kailangang dagdagan ang kanilang sakit. Sa halip, piliin nating maging bahagi ng paghilom at pag-iwas sa panibagong trahedya. Patuloy din nating itanong sa ating sarili: paano natin mapoprotektahan ang mga bata mula sa kultura ng karahasan?

Mga Kapanalig, paalala sa atin ng Awit 34:18, “Ang Panginoon ay malapít sa may pusong wasak, at inililigtas ang mga may bagbag na diwa.” Sa gitna ng ganitong kadiliman, nawa’y maging bukál tayo ng habag at malasakit. Patuloy nating ipanalangin ang mga biktima ng pamamaril, ang kanilang mga mahal sa buhay, at ang buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University. Higit sa lahat, igalang natin ang kanilang dignidad at privacy habang sama-sama nating hinahanap ang mga paraan upang maging mas ligtas ang ating mga anak.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 821 total reads

 821 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,096 total reads

 32,096 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,006 total reads

 112,006 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,232 total reads

 206,232 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,698 total reads

 266,698 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,097 total reads

 32,097 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,007 total reads

 112,007 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,233 total reads

 206,233 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,699 total reads

 266,699 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top