Huwag umasa sa fake news, pera at kapangyarihan, babala ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,497 total reads

Nagbabala si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, laban sa pag-asa sa fake news, maling impormasyon, pera, kapangyarihan at impluwensiya bilang saligan ng buhay at pananampalataya, at iginiit na si Hesukristo lamang ang tunay na pundasyon ng Simbahan.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng kapistahan ng Apostol San Bartolome de Malabon Parish, binigyang-diin ng kardinal ang kahalagahan ng patuloy na pagbabalik ng mga mananampalataya kay Kristo, sa pamamagitan ng turo at halimbawa ng mga apostol.
“Si Hesus ang saligang bato, pero ang saligang pundasyon ay ang mga apostoles ni Hesus,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ayon sa kardinal, kailangang manatiling nakasentro kay Kristo ang buhay ng Simbahan at ng Kristiyanong pamayanan, sa halip na umasa sa mga bagay na madaling magbago o makapanlinlang.

Kabilang dito, aniya, ang mga maling impormasyon at fake news na kumakalat sa social media, pati na ang mga pekeng video at mensaheng gumagamit ng pangalan ng mga pari at obispo upang makahikayat ng mga tao.
“Hindi ’yung latest na fake news, hindi ’yung mga intriga na ikinakalat ng kung sinu-sino. Maraming gumagamit ng social media sa maling paraan, at ’yan ang nagiging sandigan ng iba,” aniya.

Nagbabala rin ang kardinal laban sa pagtingin sa pera, kapangyarihan at koneksiyon bilang saligan ng buhay ng isang pamayanan, sa halip na sa pagkilos ni Kristo.

Sa pagninilay kay San Bartolome, hinikayat naman ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na kilalanin at ituwid ang sariling pagkiling, diskriminasyon at pagiging mapanghusga sa kapwa.

Aniya, ipinakita rin ni San Bartolome ang isang anyo ng pagkiling nang magtanong siya kung may mabuting magmumula sa Nazareth, isang paalala na ang bawat tao ay may mga kahinaang kailangang kilalanin at baguhin sa pamamagitan ng pagkilala kay Kristo.

“Bawat isa sa atin ay may pagka-Bartolome. Aminin natin ang ating mga hindi magagandang ugali. Magpakumbaba. Alisin natin ’yung pagiging mapang-diskrimina, mapintasin sa mga mabababa,” giit ni Cardinal Tagle.

Paalala ng kardinal, hindi dapat ang sariling kakayahan o tagumpay ng tao ang maging sukatan ng buhay ng Simbahan, kundi ang pagkilos ni Kristo.

“Hindi tayo ang gagawa ng dakilang bagay; si Hesus. Tayo, titingin at mamamangha,” aniya.

Samantala, patuloy ang proseso ng Apostol San Bartolome de Malabon Parish para sa elevation nito bilang minor basilica, kabilang ang pagsasaayos at pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento sa Vatican.

Sinabi ni Fr. Rey Larius Dimayacyac V, parochial vicar ng parokya, na higit sa pisikal na pagtaas ng simbahan, ang pinakamahalagang layunin ay ang pagpapalalim ng pananampalataya ng mga mananampalataya sa Malabon.

“Hindi lang po ito basta elevation ng simbahang bato. Ang napakaimportante po sa lahat ay ’yung pagpapalalim ng pananampalataya ng mga tao dito po sa bayan ng Malabon,” pahayag ni Fr. Dimayacyac sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng pari na ang misyon ng parokya ay hindi lamang para sa mga aktibong nagsisimba kundi para sa buong pamayanan, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa mga pinaiigting na pastoral program ng parokya ang medical mission, pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom at tulong pinansyal sa mga pamilyang namatayan bilang bahagi ng kanilang Corporal Works of Mercy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,525 total reads

 17,525 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,552 total reads

 54,552 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,822 total reads

 280,822 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,289 total reads

 174,289 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,385 total reads

 267,385 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top