583 total reads
Inamin ng dating Special Disbursing Officer o SDO ng Office of the Vice President na si Gina Acosta na naglabas siya ng kabuuang ₱500 milyon confidential funds sa isang security officer na hindi fidelity-bonded.
Sa pagpaptuloy ng pagdinig ng Senate Impeachment Court, sinabi ni Acosta na apat na beses niyang inilabas ang tig-₱125 milyon kay Col. Raymund Dante Lachica mula Disyembre 2022 hanggang sa ikatlong bahagi ng 2023.
Ayon kay Acosta, itinalaga ni Vice President Sara Duterte si Lachica para magsagawa ng confidential activities ng OVP.
Sa pagdinig, lumitaw din na hindi personal na nasuri ni Acosta kung paano aktuwal na ginastos ni Lachica ang ₱500 milyon.
Sinabi rin si Acosta na hindi niya personal na nakita kung naibigay sa mga nakalistang recipient ang mga halagang nakasaad sa acknowledgment receipts.
Kabilang sa mga dokumentong kanyang tinanggap ang mga acknowledgment receipt para sa sinasabing ₱75 milyon na ginastos sa supplies, medical at food assistance sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Wala ring official receipts para sa naturang halaga, habang may ilang acknowledgment receipt na kulang sa petsa o pangalan.
Umasa rin si Acosta sa liquidation report para sa ₱16 milyon na ginastos sa pag-upa ng mga safe house.
Samantala, kinilala ni Acosta ang mga lagda ni Vice President Duterte sa liquidation reports ng apat na ₱125-milyong cash tranche, na nagkakahalaga ng kabuuang ₱500 milyon.
Sa dating testimonya ni Acosta sa House, sinabi rin niyang inilabas niya ang unang ₱125 milyon kay Lachica matapos makuha ang approval ni Vice President Duterte




