Seguridad sa matataong lugar, mas hinigpitan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 311 total views

Mas mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police kaugnay ng papalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad at kaayusan ng bansa ngayong kapaskuhan pansamantalang hindi pinahintulutan sa mga miyembro NCRPO ang Christmas at New Year’s break para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga komunidad.

Paliwanag ni Albayalde, simula pa lamang ng buwan mas aktibo na ang operasyon at pagbabantay ng mga pulis sa iba’t ibang matataong lugar tuwing papalapit ang kapaskuhan.

“For our part sa NCRPO, wala kaming Christmas and New Year’s break, so kinancel ko yun just to ensure yung aming deployment is in place at to ensure the safety of the public. So as of now, meron tayong mga nakatalagang mga police assistance desk sa mga places of convergence and of course yung mga bus martials natin, nandyan din at yung mga security sa mga malls lalo na sa mga open market na 24-hours particularly dyan sa may Baclaran area at Tutuban Area…” ang bahagi ng pahayag ni Chief Supt. Albayalde sa panayam sa Radio Veritas.

Pagtiyak pa ng opisyal, bente-kwatro oras ang isinasagawang pagbabantay ng mga kawani ng pambansang pulisya upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan, partikular na sa kinaugaliang Simbang Gabi at Misa de Gallo ng mga Filipino kung saan normal na lamang aniya ang pagtataas ng alerto ng PNP tuwing kapaskuhan.

“Sa mga Churches kasi, naglagay tayo ng mga uniformed personnel natin like yun sa mga malalaking Simbahan sa may Quiapo we like mga 30 personnel na uniformed personnel dyan, sa mga ibang Simbahan naman may minimum tayo na 5 to 10 uniformed personnel, depende dun sa laki ng Church at saka dun sa volume ng tao na pumupunta dun sa Simbahan during the Simbang Gabi…” dagdag pa ni Albayalde.
]
Ayon kay Albayalde, hindi bababa sa 5 uniformed personnel ang nakatalaga sa iba’t ibang Simbahan at mga matataong lugar at hindi pa rin ibinababa ng PNP ang alerto nito mula sa Terror Alert Level 3 bunsod ng mga patuloy na banta ng karahasan sa bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang kapaskuhan ay isang natatanging panahon sa paggunita ng kapanganakan ni Hesus na nagligtas sa sangkatauhan kaya’t marapat lamang na tunay na maisabuhay ang natatanging araw ng kapaskuhan ng mapayapa at nagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 14,130 total views

 14,130 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 37,282 total views

 37,282 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 107,396 total views

 107,396 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 182,008 total views

 182,008 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 261,112 total views

 261,112 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 3,903 total views

 3,903 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top