Huwag gamitin ang mga mahihirap at estudyante sa pansariling agenda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nakikiisa ang Caritas Philippines sa isinusulong na programa ng pamahalaan na libreng pagpapa-ospital sa mga mahihirap gayundin ang free tuition fees sa mga states universities and colleges o SUCs sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, mainam ang ganitong programa lalo’t hindi nararamdaman ng mga taga – probinsya ang benepisyong pang – kalusugan at edukasyon mula sa pamahalaan.

Pinaalalahanan rin ni Archbishop Tirona, national director ng NASSA/Caritas Philippines ang pamahalaan na iwasang magamit sa pansariling interes o korapsyon ang nararapat na serbisyong maipagkaloob sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mahihirap at mga estudyante.

“Alam natin na ang buhay ng tao ay mahirap pa rin, ayun sa probinsiya halos hindi maramdaman ang blessing ng medical care pati na ang edukasyon. Kaya nakikiisa kami sa magandang programa na sana maipatupad talaga. Basta huwag lang siyempre gagamitin ang mga kabataan natin at ang ating mamamayan sa anumang uri ng agenda na ikabubuti ng ating bansa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona sa Radyo Veritas.

Nabatid na 11.4-milyong mahihirap sa bansa ang makikinabang sakaling maisabatas ang libreng pagpapa-ospital at gamot. Habang ang free education program sa 114 na SUCs ay popondohan ng pamahalaan ng P8. 3 bilyong piso. Sa ngayon ay 1.4 na milyon pa lamang ang mga nakikinabang mula sa Higher Education Support Fund.

Sa panig naman ng Caritas Manila na kaisa ng Caritas Philippines ay mayroon ng limang libong iskolar sa programa nitong Youth Servant Leadership and Education program sa buong bansa at nagpapa – abot rin ng tulong sa mga mahihirap na Pilipinong nanawagan ng tulong gamit ang programang Caritas sa Veritas ng Radyo Veritas.

Read: http://www.veritas846.ph/celebrities-na-nagkaloob-ng-yaman-sa-segunda-mana-pinasalamatan-ng-caritas-manila/
http://www.veritas846.ph/pag-ibig-ng-diyos-ipagkaloob-sa-kapwa/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,483 total reads

 77,483 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,710 total reads

 155,710 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,157 total reads

 189,157 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,454 total reads

 224,454 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,886 total reads

 447,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,417 total reads

 298,417 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,284 total reads

 409,284 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top