Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seguridad sa matataong lugar, mas hinigpitan

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Mas mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police kaugnay ng papalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad at kaayusan ng bansa ngayong kapaskuhan pansamantalang hindi pinahintulutan sa mga miyembro NCRPO ang Christmas at New Year’s break para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga komunidad.

Paliwanag ni Albayalde, simula pa lamang ng buwan mas aktibo na ang operasyon at pagbabantay ng mga pulis sa iba’t ibang matataong lugar tuwing papalapit ang kapaskuhan.

“For our part sa NCRPO, wala kaming Christmas and New Year’s break, so kinancel ko yun just to ensure yung aming deployment is in place at to ensure the safety of the public. So as of now, meron tayong mga nakatalagang mga police assistance desk sa mga places of convergence and of course yung mga bus martials natin, nandyan din at yung mga security sa mga malls lalo na sa mga open market na 24-hours particularly dyan sa may Baclaran area at Tutuban Area…” ang bahagi ng pahayag ni Chief Supt. Albayalde sa panayam sa Radio Veritas.

Pagtiyak pa ng opisyal, bente-kwatro oras ang isinasagawang pagbabantay ng mga kawani ng pambansang pulisya upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan, partikular na sa kinaugaliang Simbang Gabi at Misa de Gallo ng mga Filipino kung saan normal na lamang aniya ang pagtataas ng alerto ng PNP tuwing kapaskuhan.

“Sa mga Churches kasi, naglagay tayo ng mga uniformed personnel natin like yun sa mga malalaking Simbahan sa may Quiapo we like mga 30 personnel na uniformed personnel dyan, sa mga ibang Simbahan naman may minimum tayo na 5 to 10 uniformed personnel, depende dun sa laki ng Church at saka dun sa volume ng tao na pumupunta dun sa Simbahan during the Simbang Gabi…” dagdag pa ni Albayalde.
]
Ayon kay Albayalde, hindi bababa sa 5 uniformed personnel ang nakatalaga sa iba’t ibang Simbahan at mga matataong lugar at hindi pa rin ibinababa ng PNP ang alerto nito mula sa Terror Alert Level 3 bunsod ng mga patuloy na banta ng karahasan sa bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang kapaskuhan ay isang natatanging panahon sa paggunita ng kapanganakan ni Hesus na nagligtas sa sangkatauhan kaya’t marapat lamang na tunay na maisabuhay ang natatanging araw ng kapaskuhan ng mapayapa at nagkakaisa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 66,061 total views

 66,061 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,836 total views

 73,836 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 82,016 total views

 82,016 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,702 total views

 97,702 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,645 total views

 101,645 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 15,687 total views

 15,687 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top