Walang summer break kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,383 total reads

Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto ang misyon ni Pope Leo XIV, bagkus ay nagkakaroon lamang ito ng ibang ritmo habang pansamantalang nananatili ang Santo Papa sa Castel Gandolfo.

Sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Fr. Gaston na siya ring Radio Veritas correspondent sa Vatican na tuwing buwan ng Hulyo at Agosto ay karaniwang nababawasan ang mga opisyal na gawain at pakikipagpulong ng Santo Papa sa mga pinuno ng estado, obispo, pari, mga kongregasyon at iba’t ibang organisasyon dahil panahon ito ng pagpapahinga sa Italya.

Gayunman, sinabi ng Pari na ang pahinga ni Pope Leo XIV ay hindi nangangahulugang pagtigil sa kanyang paglilingkod bilang Santo Papa kundi pagkakataon lamang upang magkaroon ng ibang mga gawain at makapagpatuloy sa pananalangin at pagninilay para sa Simbahan at sa buong mundo.

Binigyang-diin din ni Fr. Gaston na nananatiling malawak ang malasakit ng Simbahan sa lahat ng usaping may epekto sa tao, kabilang ang politika, agham, sining, teknolohiya, artificial intelligence, kapaligiran, kultura, sports, at maging ang usapin ng digmaan at kapayapaan sa mundo.

“Basta apektado ang tao, concern ng Simbahan ‘yan. Kung may isang bagay na walang epekto sa tao, wala ring concern ang Simbahan. Pero halos lahat ay may epekto sa tao kaya patuloy na nagbibigay ng gabay ang Simbahan,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ni Fr. Gaston na ang Simbahan ay hindi lamang binubuo ng mga pari, obispo at madre, kundi higit sa lahat ng mga layko na siyang bumubuo ng napakalaking bahagi ng sambayanang Kristiyano.

Ayon sa Pari, ang tunay na paglilingkod sa Simbahan ay hindi lamang nasusukat sa aktibong pakikilahok sa mga gawain ng parokya kundi higit sa lahat ay sa pamamagitan ng tapat na pagtupad ng bawat isa sa kanilang bokasyon sa pamilya, paaralan, trabaho, at komunidad.

“Number 1 nating misyon bilang mga Kristiyano kung saan tayo nakatira, kung saan tayo araw-araw pumupunta kasi diyan ang assignment natin galing sa Panginoon… sa pamilya, sa school, sa trabaho, sa lipunan and of course gawin natin ng panahon kung makatulong pa tayo sa parokya, but of couse kasama doon yung ating pananampalataya, yung ating pagsimba, kaya kasama dun sa pag-aalaga ng pamilya kasama dun yung pagsimba kapag dinadala natin yung pamilya sa Simbahan, ini-ecourage natin sila yan ang ating papel, responsibilidad, kasama yan sa Evangelization.” Paliwanag ni Fr. Gaston.

Hinimok din ni Fr. Gaston. ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang misyon ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng katesismo, pagsasabuhay ng mga Kristiyanong pagpapahalaga, at aktibong paglilingkod sa kapwa saan mang bahagi ng mundo naroroon.

“Simple lang naman kailangan natin ng dasal, kailangan natin ng catechism, kailangan natin ng virtues, kaya kapag ginagawa natin ito tinutulungan natin ang ating Santo Papa kahit nandito siya sa Rome, sa Vatican, sa Castel Gandolfo o kung saan man siya, magkasama tayo kaisa siya natin kapag kapag ginagawa natin kumbaga kung saan tayo inassign ng Panginoon diyan man sa Pilipinas, o abroad diyan ang ating assignment kasama natin si Pope Leo XIV.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Samantala, ibinahagi rin ni Fr. Gaston na kabilang sa patuloy na ipinagdarasal ni Pope Leo XIV ang lumalalang mga armadong tunggalian sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular sa Gitnang

Silangan, gayundin sa ilang bansa sa Asya, Africa, Latin America at Europa.

Ayon sa Pari, nananatiling pangunahing panawagan ng Santo Papa ang panalangin para sa kapayapaan at ang pagkakaisa ng sambayanang Kristiyano sa pagtugon sa mga pagdurusang dulot ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,299 total reads

 44,299 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,021 total reads

 149,021 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,132 total reads

 235,132 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,265 total reads

 305,265 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,085 total reads

 337,085 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top