Bagong opisyal ng BRSAC, nanumpa sa tungkulin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 231 total views

Nagtapos sa pamamagitan ng banal na pagdiriwang ng Eukaristiya at panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ang Bicol Region Social Action Centers (BRSAC) Assembly 2026 na ginanap noong Hulyo 13, 2026 bilang hudyat ng panibagong yugto ng paglilingkod ng mga Social Action Centers sa rehiyon ng Bikol.

Pinangunahan ni Daet Bishop Herman Abcede, RCJ, Bishop-in-Charge ng Bicol Regional Social Action Network, ang pagdiriwang ng Banal na Misa, habang si Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio “Tito” Caluag naman ang nagbahagi ng homiliya na muling nagpaalala sa mga delegado na ang bawat programa, desisyon, at paglilingkod ng Simbahan ay dapat nakasandig sa kalooban ng Diyos at sa misyon ng paglilingkod sa mga higit na nangangailangan.

Isa sa mga tampok sa pagtatapos ng pagtitipon ang oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng BRSAC na magsisilbi sa termino ng 2026 hanggang 2029, na pinangunahan rin ni Bishop Abcede, habang naging saksi si Fr. Caluag sa panunumpang mamuno nang may katapatan, kababaang-loob, at malasakit sa sambayanan.

Nahahalal bilang Chairman BRSAC si Rev. Fr. Eric B. Martillano ng Social Action Center ng Diyosesis ng Legazpi; Vice Chairman si Rev. Fr. Erwin Besmonte ng Caritas Caceres-Naga; Secretary si Rev. Fr. Ruel Lasay ng Caritas Sorsogon; at Treasurer si Rev. Fr. Franco Ian Balmadrid ng Caritas Virac.

Naghalal din ang samahan ng mga advocacy coordinators na mangunguna sa iba’t ibang programa ng Social Action Centers sa larangan ng humanitarian response, food security, ecology, justice and peace, youth development, education, at health and nutrition sa buong rehiyon.
We are thrilled and deeply grateful to introduce your BRSAC Officers for 2026–2029:

𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻: 𝗙𝗿. 𝗘𝗿𝗶𝗰 𝗕. 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝗼 (𝗦𝗔𝗖 𝗟𝗲𝗴𝗮𝘇𝗽𝗶)
𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻: 𝗙𝗿. 𝗘𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗕𝗲𝘀𝗺𝗼𝗻𝘁𝗲 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀-𝗖𝗮𝗰𝗲𝗿𝗲𝘀 𝗡𝗮𝗴𝗮)
𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆: 𝗙𝗿. 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗟𝗮𝘀𝗮𝘆 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀-𝗦𝗼𝗿𝘀𝗼𝗴𝗼𝗻)
𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿: 𝗙𝗿. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 𝗜𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗺𝗮𝗱𝗿𝗶𝗱 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗩𝗶𝗿𝗮𝗰)
And our Advocacy Coordinators who will champion the causes closest to our mission:
𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 — 𝗙𝗿. 𝗥𝘂𝗲𝗹 𝗟𝗮𝘀𝗮𝘆 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀-𝗦𝗼𝗿𝘀𝗼𝗴𝗼𝗻)
𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 & 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 — 𝗙𝗿. 𝗥𝗮𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗻𝗲𝘀 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗩𝗶𝗿𝗮𝗰)
𝗘𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 & 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 — 𝗙𝗿. 𝗘𝗿𝗻𝗶𝗲 𝗦𝗮𝗻𝗰𝗵𝗲𝘇 (𝗦𝗣𝗔𝗖𝗙𝗜)
𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗰𝗲 & 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 — 𝗙𝗿. 𝗡𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗮𝗻𝗲𝗱𝗮 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗟𝗶𝗯𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻)
𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 — 𝗙𝗿. 𝗔𝗹𝗱𝗿𝗶𝗻 𝗥. 𝗔𝗱𝗼𝗹𝗳𝗼 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗟𝗶𝗯𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻)
𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 — 𝗙𝗿. 𝗣𝗮𝘂𝗹 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗗𝘆 (𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗠𝗮𝘀𝗯𝗮𝘁𝗲)
𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 & 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 — 𝗙𝗿. 𝗠𝗶𝗹𝗼 𝗝𝗼𝗷𝗼 𝗖𝗮𝘆𝗺𝗼 (𝗦𝗣𝗔𝗖𝗙𝗜)

Sa pagtatapos ng BRSAC Assembly 2026, muling pinagtibay ng mga delegado ang kanilang sama-samang paninindigan na palakasin ang mga programa ng Simbahan para sa mahihirap, pangalagaan ang kalikasan, itaguyod ang katarungan at kapayapaan, at higit pang palawakin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,263 total views

 76,263 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,877 total views

 150,877 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,956 total views

 230,956 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 274,095 total views

 274,095 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,505 total views

 270,505 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 746 total views

 746 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top