Proteksyon, panawagan ng WMRA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,215 total reads

Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi ng kandila bilang paggunita kay Motorcycle Taxi Driver – Fabio Norberte Jr – na nasawi habang naghahanapbuhay ngayong Hulyo.

Ayon sa Riders Groups, ang insidente ay hindi lamang trahedyang sinapit ng isang manggagawa kundi sumasalamin din sa patuloy na kinahaharap na panganib ng libu-libong platform riders sa bansa.

Binigyang-diin ng grupo na nararapat lamang na mapalakas ang mga hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng mga rider na araw-araw na umaasa sa “Gig Economy” upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

“Isa na namang buhay ng manggagawang rider ang nawala habang nagsisikap lamang maghanapbuhay. Nanawagan kami sa lahat ng riders at sa mamamayan na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at magtirik ng kandila bilang simpleng paggunita kay Paps Fabio. Ang bawat kandilang sisindihan ay simbolo ng ating pakikiisa, pag-alala, at paninindigan na hindi dapat maging karaniwan ang ganitong trahedya,” ayon sa mensahe ng WMRA.

Iginiit din ng samahan na hindi dapat ihiwalay ang mga ganitong pangyayari sa mas malawak na suliranin ng kahirapan, kakulangan ng disenteng trabaho, at hindi sapat na proteksiyon sa mga manggagawa.

Dahil ayon sa WMRA, ang pangmatagalang seguridad ay nakasalalay hindi lamang sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa paglikha ng mas maraming disenteng trabaho, makatarungang kondisyon sa paggawa, at mas matibay na social protection para sa mga platform workers sa buong bansa.

“Nakaugat ito sa pagkakaroon ng disenteng kabuhayan, makatarungang lipunan, at proteksyon sa mga manggagawa. Ang pinakamainam na paraan ng pag-alala kay Paps Fabio ay ang patuloy na pag-oorganisa, pagkakaisa, at paglaban para sa isang sistemang tunay na kumikilala at nagpoprotekta sa mga platform riders. Ang bawat rider ay nararapat umuwi nang ligtas sa kanilang pamilya pagkatapos ng bawat biyahe,” bahagi pa ng mensahe ng WMRA.

Sinusuportahanan naman ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang gawain panawagan ng Riders Group, kasunod ng mas pinalawig na apela sa pamahalaan na bigyan ng atensyon ang kinakailangang pagbibigay ng prayoridad na tiyaking ligtas ang anumang lugar ng paggawa sa Pilipinas.

Kaugnay nito, muling iginiit ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng pagtatanggol sa dignidad at karapatan ng bawat manggagawa dahil patuloy ding hinihikayat ni Pope Leo XIV ang lipunan na isulong ang mga patakaran na nagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa paggawa, upang matiyak na ang bawat manggagawa ay makapaglingkod at makauuwi nang ligtas sa kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,815 total reads

 42,815 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,570 total reads

 147,570 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,680 total reads

 233,680 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,814 total reads

 303,814 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,715 total reads

 335,715 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top