Kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba ng 70-porsiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,070 total reads

Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba ng 70 porsiyento ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Ayon sa kagawaran, nakapagtala ng 1,532 kumpirmadong kaso mula January 4 hanggang July 11, 2026, kumpara sa 5,070 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Inilabas ng DOH ang pahayag kasunod ng mga naunang ulat ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Quezon City, na nilinaw ng kagawaran na nananatiling lokal o isolated at hindi sumasalamin sa kabuuang sitwasyon sa buong bansa.

“The DOH continues to closely monitor the situation through its regional offices and local government partners and maintains disease surveillance and response mechanisms nationwide,” ayon sa DOH.

Muling pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko na bantayan ang mga sintomas ng COVID-19, kabilang ang lagnat, panginginig, pananakit ng lalamunan, ubo, sipon o baradong ilong, pananakit ng ulo at kasukasuan, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Pinayuhan din ng DOH ang mga nakararanas ng mga sintomas na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o healthcare facility upang mabigyan ng tamang lunas at maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Hinikayat din ang publiko na ipagpatuloy ang mga pangunahing hakbang sa kalusugan tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, tamang respiratory etiquette, at pagpapanatili ng kalinisan upang makaiwas sa COVID-19 at iba pang respiratory illnesses.

“The DOH assures the public that it will continue to monitor the situation closely and provide timely, accurate, and verified information as needed,” ayon pa sa DOH.

Ipinapanalangin naman ng simbahan ang patuloy na kaligtasan ng bawat isa laban sa anumang uri ng nakahahawang karamdaman, at hinihikayat ang lahat na isabuhay ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng responsableng pangangalaga sa sariling kalusugan at sa kapakanan ng buong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,494 total reads

 41,494 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,301 total reads

 146,301 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,411 total reads

 232,411 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,545 total reads

 302,545 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,490 total reads

 334,490 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,631 total reads

 162,631 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top