Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 973 total reads

Ang Mabuting Balita, 16 Oktubre 2023 – Lucas 11: 29-32

PUSONG NAKAKAKITA

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

————

Isipin natin kung isang araw, hindi na sisikat ang araw at uulan ng walang tigil. Isipin natin kung isang araw, hindi na uulan at puro sikat ng araw na lang. Isipin natin, kung isang araw wala ng hayop at halaman ang nabubuhay. Isipin natin, kung isang araw, wala ng tao ang isinisilang. Napakahaba ng listahan ng mga palatandaan na nagbibigay pruweba na mayroon tayong Diyos na lumilikha at nagtataguyod ng buhay, ngunit, ang mga hindi nananampalataya ay humihingi pa rin ng palatandaan upang manampalataya sila. Ang problema dito, para sila ay makakita ng palatandaan, depende sa kanila – kung kikilalanin nila ang mga ito. Kung hindi, mananatili silang hindi nananampalataya.

Ang tanong ngayon: Sino ang mas nasa maayos na kalagayan? Ang nananampalataya o ang hindi nananampalataya?

Sapagkat ang Pananampalataya ay ang maniwala sa bagay na hindi nakikita, ang isang nananampalataya ay hindi nangangailangan ng mga palatandaan upang sumunod sa mga utos ng Diyos at mamuhay ng mabunga at ganap, at matamasa ang kaligayahan at kapayapaan na dala nito. Ang isang mananampalataya ay laging nakatitiyak na hindi siya pababayaan ng Diyos sa kanyang mga pangangailangan anuman ang kalagayan. Ito ay sapagkat ang isang mananampalataya ay mayroong PUSONG NAKAKAKITA. At higit pa rito, ang mananampalataya na namumuhay ng ganito ay tiyak na makapag-aambag sa isang napakagandang mundo para sa lahat ng nilikha!

Ang hindi nananampalataya???

Pagnilayan natin itong napakagandang awit na isinulat ni David Foster, I BELIEVE (na isinalin sa Tagalog) –

“Isang araw, maririnig ko

ang tawanan ng mga bata

sa isang mundo kung saan

ang digmaan ay ipinagbabawal.

Isang araw, makikita ko

mga tao ng iba’t-ibang kulay

nagbabahagi ng mga salita ng

pag-ibig at debosyon.

Tumayo at damhin

ang Banal na Espiritu;

Hanapin ang lakas

ng iyong pananampalataya.

Buksan ang iyong puso

sa mga nangangailangan

sa pangalan ng pag-ibig at debosyon.

OO, AKO AY NANINIWALA!

Ako’y naniniwala sa mga tao

ng lahat ng bansa

na magsama at magmahalan

sa pag-ibig.

Ako’y naniniwala sa isang mundo

kung saan ang liwanag

ay gagabay sa atin,

at sa pamamagitan ng

pagbibigay ng ating pag-ibig,

gagawin natin ang langit sa lupa.

AKO AY NANINIWALA!”

Pinasasalamatan ka namin Panginoon, sa biyaya ng pananampalataya. KAMI AY SUMASAMPALATAYA SA IYO!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 23,832 total reads

 23,832 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 72,301 total reads

 72,301 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 94,504 total reads

 94,504 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 130,998 total reads

 130,998 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 350,476 total reads

 350,476 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RETALIATION

 3,743 total reads

 3,743 total reads Gospel Reading for September 10, 2026 – Luke 6: 27-38 RETALIATION Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love

Read More »

GREAT CONSOLATION

 3,007 total reads

 3,007 total reads Gospel Reading for September 09, 2026 – Luke 6: 20-26 GREAT CONSOLATION Raising his eyes toward his disciples Jesus said: Blessed are you

Read More »

WHOLE OF HUMANITY

 4,097 total reads

 4,097 total reads Gospel Reading for September 08, 2026 – Matthew 1: 18-23 WHOLE OF HUMANITY Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary This

Read More »

RIGID LEGALISM

 5,394 total reads

 5,394 total reads Gospel Reading for September 07, 2026 – Luke 6: 6-11 RIGID LEGALISM On a certain sabbath Jesus went into the synagogue and taught,

Read More »
Scroll to Top