345 total views

Mga Kapanalig, bilang reaksyon sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas mula sa Palestine, ipinaalala ni Pope Francis na “War is always a defeat! Every war is a defeat! Ang digmaan ay laging pagkatalo. Ang bawat digmaan ay isang pagkatalo.

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit isanlibong katao na ang namatay sa dalawang panig. Bagamat matagal nang mailap ang kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestine, ang pinakahuli at surpresang pag-atake ng grupong Hamas sa Israel ang naging mitsa ng pagtindi ng tensyon doon. Agad kasing gumanti ang Israel matapos mamatay ang mahigit 600 na mamamayan nito nang magpakawala ng rockets mula sa Gaza Strip ang Islamist movement na Hamas. Pinasok din ng armadong grupo ang ilang lugar sa katimugang Israel at may mga napaulat na kinidnap at pinagpapatay. Nagbanta rin ang grupong papatayin ang mga sibilyang hostage kung magpapatuloy ang pag-atake ng Israel sa Gaza Strip, kung saan libu-libong pamilya na ang lumikas at naghahahanap ng ligtas na matutuluyan. 

Malalim at masalimuot ang ugat ng tensyon sa rehiyon. Nagsimula ito noong World War I kung saan nasa ilalim ng kontrol ng Britanya ang Palestine. Mayorya ng populasyon doon noon ay Arabs habang minorya naman ang mga Jewish. Lumaki ang populasyon ng mga Jewish nang mangyari ang Holocaust sa Germany. Noong 1947, alinsunod sa tinatawag na British Mandate, hinati ang Palestine sa dalawa: ang Arab State at ang Jewish State (na kalaunan ay tinawag na Israel). Hindi ito tinanggap ng mga Arabs hanggang sa lisanin ng Britanya ang rehiyon. Sa paglipas ng panahon, sinakop ng Israel ang lugar ng mga Palestinian, bagay na labag sa British Mandate na kinikilala ng United Nations. Noong 1967, tuluyang sinakop ng Israel ang mga lupang laan sa mga Palestine, hanggang sa umatras ito sa Gaza Strip noong 2005. Gayunman, patuloy ang pagsasara sa mga borders ng Gaza Strip na nagpahirap naman sa buhay ng mga Palestines doon. Ang matinding hirap sa Gaza Strip ang nagbigay-daan sa pagkabuo ng mga militanteng grupong katulad ng Hamas. Sinamantala naman ng iba ang sitwasyon upang magpalaganap ng terorismo. 

Tila walang puwang ang kapayapaan sa dalawang panig. Patuloy ang pananakop ng Israel at panggigipit nito sa mga Palestine. Ang mga grupong katulad naman ng Hamas ay matigas sa kanilang paninindigang pabagsakin ang kanilang itinuturing na mortal na kaaway, ang Israel. 

Naiipit sa gitna ang mga inosenteng sibiliyan, kabilang ang mga dayuhang naghahanapbuhay doon katulad ng ating mga overseas Filipino workers. May mga ulat ngang kabilang ang ilang Pilipino sa mga kinidnap ng mga militante, bagamat patuloy pa itong kinukumpirma ng ating embahada sa Israel. Tiniyak naman nitong nasa ligtas na kalagayan ang ating mga kababayan. Gayunman, may dalawa na tayong kababayang nasaktan. Dalawa naman ang kasama sa mga namatay. Sana ay hindi na madagdagan pa.

Mga Kapanalid, madaling masiraan ng loob sa harap ng mga ganitong pangyayari kahit pa malayo tayo sa magugulong lugar at bansa. Hindi natin maisip ang pagkabalisa ng mga apektadong mamamayan. Tiyak ding labis ang pag-aalala ng ating mga kababayang may kapamilyang nagtatrabaho sa mga bansang may digmaan. Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay ang magdasal para mamayani ang kapayapaan sa mga lugar na ito, lalo na ngayon sa Israel at Palestine. Ang Santa Iglesia, na nagpapahalaga sa kapayapaan at naniniwalang bunga ito ng katarungan, sabi nga sa mga panlipunang turo nito, ay laging naghahangad ng kapayapaan. Ginagawa ni Pope Francis, bilang pastol ng ating Simbahan, ang lahat upang kumbinsihin ang mga pinuno ng iba’t ibang bansang tapusin ang mga digmaan, na “laging pagsikapan [ang kapayapaan],” wika nga sa 1 Pedro 3:11.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,724 total views

 50,724 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 56,142 total views

 56,142 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 62,849 total views

 62,849 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 77,642 total views

 77,642 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 83,798 total views

 83,798 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,725 total views

 50,725 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 56,143 total views

 56,143 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 62,850 total views

 62,850 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 77,643 total views

 77,643 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 83,799 total views

 83,799 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,859 total views

 41,859 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,443 total views

 52,443 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,660 total views

 60,660 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,893 total views

 44,893 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,869 total views

 50,869 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,962 total views

 53,962 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,667 total views

 43,667 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,555 total views

 44,555 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,858 total views

 59,858 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,267 total views

 72,267 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top