Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,044 total reads

Ang Mabuting Balita, 16 Oktubre 2023 – Lucas 11: 29-32

PUSONG NAKAKAKITA

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

————

Isipin natin kung isang araw, hindi na sisikat ang araw at uulan ng walang tigil. Isipin natin kung isang araw, hindi na uulan at puro sikat ng araw na lang. Isipin natin, kung isang araw wala ng hayop at halaman ang nabubuhay. Isipin natin, kung isang araw, wala ng tao ang isinisilang. Napakahaba ng listahan ng mga palatandaan na nagbibigay pruweba na mayroon tayong Diyos na lumilikha at nagtataguyod ng buhay, ngunit, ang mga hindi nananampalataya ay humihingi pa rin ng palatandaan upang manampalataya sila. Ang problema dito, para sila ay makakita ng palatandaan, depende sa kanila – kung kikilalanin nila ang mga ito. Kung hindi, mananatili silang hindi nananampalataya.

Ang tanong ngayon: Sino ang mas nasa maayos na kalagayan? Ang nananampalataya o ang hindi nananampalataya?

Sapagkat ang Pananampalataya ay ang maniwala sa bagay na hindi nakikita, ang isang nananampalataya ay hindi nangangailangan ng mga palatandaan upang sumunod sa mga utos ng Diyos at mamuhay ng mabunga at ganap, at matamasa ang kaligayahan at kapayapaan na dala nito. Ang isang mananampalataya ay laging nakatitiyak na hindi siya pababayaan ng Diyos sa kanyang mga pangangailangan anuman ang kalagayan. Ito ay sapagkat ang isang mananampalataya ay mayroong PUSONG NAKAKAKITA. At higit pa rito, ang mananampalataya na namumuhay ng ganito ay tiyak na makapag-aambag sa isang napakagandang mundo para sa lahat ng nilikha!

Ang hindi nananampalataya???

Pagnilayan natin itong napakagandang awit na isinulat ni David Foster, I BELIEVE (na isinalin sa Tagalog) –

“Isang araw, maririnig ko

ang tawanan ng mga bata

sa isang mundo kung saan

ang digmaan ay ipinagbabawal.

Isang araw, makikita ko

mga tao ng iba’t-ibang kulay

nagbabahagi ng mga salita ng

pag-ibig at debosyon.

Tumayo at damhin

ang Banal na Espiritu;

Hanapin ang lakas

ng iyong pananampalataya.

Buksan ang iyong puso

sa mga nangangailangan

sa pangalan ng pag-ibig at debosyon.

OO, AKO AY NANINIWALA!

Ako’y naniniwala sa mga tao

ng lahat ng bansa

na magsama at magmahalan

sa pag-ibig.

Ako’y naniniwala sa isang mundo

kung saan ang liwanag

ay gagabay sa atin,

at sa pamamagitan ng

pagbibigay ng ating pag-ibig,

gagawin natin ang langit sa lupa.

AKO AY NANINIWALA!”

Pinasasalamatan ka namin Panginoon, sa biyaya ng pananampalataya. KAMI AY SUMASAMPALATAYA SA IYO!

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,192 total reads

 23,192 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,742 total reads

 43,742 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 118,603 total reads

 118,603 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 203,973 total reads

 203,973 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 250,708 total reads

 250,708 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 298,580 total reads

 298,580 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 396,500 total reads

 396,500 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEGALISTIC

 7,016 total reads

 7,016 total reads Gospel Reading for October 26, 2026 – Luke 13: 10-17 LEGALISTIC Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath. And a woman

Read More »

LOVING OFFERING

 6,838 total reads

 6,838 total reads Gospel Reading for October 25, 2026 – Matthew 22: 34-40 LOVING OFFERING When the Pharisees heard that Jesus had silenced the Sadducees, they

Read More »

IT IS NEVER TOO LATE.

 9,430 total reads

 9,430 total reads Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9 IT IS NEVER TOO LATE. Some people told Jesus about the Galileans whose

Read More »

RENDERED USELESS

 9,171 total reads

 9,171 total reads Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59 RENDERED USELESS Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising

Read More »
Scroll to Top