Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malnutrisyon at Kalusugan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 25,833 total views

Sa panahon ngayon kung kailan matingkad na isyu ang food security o katiyakan sa pagkain, maaaring maging mas malala ang problema ng malnutrisyon at kalusugan sa ating bayan, lalo na sa mga bata.

Matagal na isyu na ang malnutrisyon sa Pilipinas, bunga na rin ng kahirapan ng maraming mga pamilyang Pilipino. Marami sa atin ang hindi nakakakain ng sapat at masustansyang pagkain. Maraming mga sanggol at kabataan ang hindi nakakain ng wasto. Ayon nga sa datos ng Social Weather Station, mga 2.7 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger nitong second quarter ng 2023 dahil sa kawalan ng pagkain.

Ang gutom ay malaki ang epekto sa kalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), persistent na ang malnutrition sa bayan, kaya nga halos di nagbabago ang ating stunting rate: nasa 27.6% o isa sa bawat apat na batang may edad lima pababa ay maliit para sa kanilang edad.

Kapanalig, ang problema ng malnutrisyon ay hindi lamang simpleng problema ng gutom. Malaki ang implikasyon nito sa kinabukasan ng mga bata pati ng ating bayan. Unang una, kapanalig, ang batang stunted at malnourished ay batang sakitin. Sa isang bayan gaya ng Pilipinas kung saan ang health care ay napakamahal, ang pagiging masakitin ay magtutulak pa lalo sa kahirapan sa maraming pamilyang Pilipino. Mahal ang konsultasyon, mahal ang lab tests, mahal ang gamot.

Sa mga remote areas pa ng ating bayan, hindi pa accessible ang health care. Maraming mga nayon, maraming mga indigenous areas, ang walang access sa mga health facilities. May mga pagkakataon na halos wala silang nakakaharap na health care professionals. At kung emergency, minsan mas lalong lumalala ang sakit dahil kailangan pang maglakbay ng ilang oras para lamang makakuha ng paunang lunas.

Ang chronic hunger at malnourishment, kapanalig, ay malaki rin ang epekto sa abilidad ng mga bata. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na maraming malnourished children ay may poor motor skills, hirap magsalita at makipag-communicate, at mas hirap umunawa at makisama. Kung malaking porsyento ng ating kabataan ang maapektuhan ng ganito dahil sa malnourishment, paano na ang kinabukasan nila?

Ang malnutrisyon at kalusugan sa Pilipinas ay isang isyung kailangan ng agarang aksyon. Ilang taon na ang problemang ito, pero hanggang ngayon, wala pa ring solusyon. Ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon ay hindi lamang isyung pantahanan, ito ay national issue. Ang malnutrisyon ay labag sa karapatan ng tao sa kalusugan. Sabi nga ni Pope Francis sa UN Food Systems Pre-Summit 2021: We produce enough food for all people, but many go without their daily bread … an offense that violates basic human rights… It is everyone’s duty to eliminate this injustice.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 83,364 total views

 83,364 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 95,904 total views

 95,904 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 118,286 total views

 118,286 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 137,585 total views

 137,585 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 31,279 total views

 31,279 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 83,366 total views

 83,366 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 95,906 total views

 95,906 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 118,289 total views

 118,288 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 137,588 total views

 137,588 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 168,180 total views

 168,180 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 168,401 total views

 168,401 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 182,145 total views

 182,145 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 190,912 total views

 190,912 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 214,207 total views

 214,207 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top