Caritas Philippines sa mga bagong opisyal ng barangay: Paglingkuran ang pamayanan, itaguyod ang ‘common good’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,624 total reads

Nananawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nanalong kandidato ng nagdaang Barangay at Sangguniang na matapat na paglilingkod sa kapakanan ng buong pamayanang nasasakupan.

Ayon kay Caritas Philippines National President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay maayos na matanggap ng mga mamamayan ang mga programa ng gobyerno.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangang iwaksi ng mga halal na opisyal ang pansariling interes sa posisyon sa halip ay unahin kabutihan at kapakanan ng taumbayan o ang common good.

“We urge you to serve the best interests of your barangays and to work tirelessly to improve the lives of your constituents,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nagpapasalamat naman si Bishop Bagaforo sa lahat ng mga nangasiwa sa pagtiyak ng kaayusan, kapayapaan at katapatan ng nagdaang halalan kabilang na ang mga kawani ng Commission on Elections (COMELEC), Pambansang Pulisya ng Pilipinas, volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), lalo’t higit ang mga guro na nangasiwa ng halalan sa loob ng mga silid aralan.

“We thank you for going beyond your civic duty and for your commitment to ensuring that our elections were free, fair, and peaceful… Your sacrifices and dedication are truly commendable.” Mensahe ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak din ni Bishop Bagaforo ang tuwinang pakikibahagi ng Simbahan upang tulungan ang mga lingkod ng barangay at sangguniang kabataan na isulong ang ng kaayusan at kaunlaran sa pamayanan.

Batay sa monitoring ng COMELEC sa pangkabuuan ay naging maayos at mapayapa ang nakalipas na halalang pambarangay kung saan walang anumang naitalang failure of election sa anumang panig ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 55,378 total reads

 55,378 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 88,739 total reads

 88,739 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 190,565 total reads

 190,565 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 231,123 total reads

 231,123 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 249,388 total reads

 249,388 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,746 total reads

 50,746 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top