Impeachment process laban kay VP Duterte, hindi persecution-bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,928 total views

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng pananagutan, transparency, at pagtalima sa katotohanan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue kaugnay sa posibleng impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring convenor ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, hindi dapat katakutan o husgahan ang impeachment process sapagkat ito ay isang demokratiko at konstitusyonal na mekanismo upang tiyakin na mapanagot ang mga opisyal na pinagkatiwalaan ng kapangyarihan ng mamamayan.

“The ongoing impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte should not be feared nor prematurely condemned. Impeachment is not persecution. It is a constitutional and democratic process designed precisely to ensure that public officials entrusted with immense power remain accountable to the people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng Obispo, na kung walang kasalanan ang bise presidente, ang proseso ng impeachment ang pinaka-naaangkop na pagkakataon upang malinawan ang publiko at mabunyag ang katotohanan.

“If the Vice President is truly innocent of the allegations raised against her, then this process becomes the proper and honorable avenue for her to clear her name and vindicate herself before the Filipino people. Truth is never threatened by transparency.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Inihayag din ni Bishop Bagaforo ang pagkabahala sa patuloy na mababang ranggo ng Pilipinas sa usapin ng public sector integrity base batay sa ulat ng Transparency International noong 2025, kung saan binanggit ang mga suliranin kaugnay ng korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, political patronage, at mahinang accountability mechanisms.

Ipinaalala rin nito na bahagi ng obligasyon ng Pilipinas bilang state party sa United Nations Convention against Corruption ang pagsusulong ng integridad, transparency, at pananagutan sa pamahalaan.

“At a time when the Philippines continues to struggle with deepening public distrust and widespread perceptions of corruption across many levels of government, it is imperative that our highest public officials demonstrate accountability, transparency, and fidelity to truth.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Iginiit din ni Bishop Bagaforo na mahalagang pahintulutan ang maayos, patas, at transparent na pag-usad ng proseso upang manaig ang katotohanan at hustisya, na hindi dapat na ituring na isang uri ng destabilisasyon.

“Accountability is not political harassment. Justice is not destabilization. They are the very foundations upon which public trust and national transformation are built,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Hinimok naman ni Bishop Bagaforo ang lahat ng sektor ng lipunan na pairalin ang paggalang sa mga demokratikong institusyon at suportahan ang mapayapang pagtalakay sa usapin para sa ikabubuti ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 86,112 total views

 86,112 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 99,689 total views

 99,689 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 128,253 total views

 128,253 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 175,842 total views

 175,842 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 164,874 total views

 164,874 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top