Caritas Philippines, inilunsad donation drive para sa mga naapektuhan ng ash fall sa Albay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,248 total reads

Umapela ang Caritas Philippines sa puso ng bawat Pilipino na isabuhay ngayong panahon ng sakuna ang pagkakawanggawa upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng ash fall mula sa bulkang Mayon.

Sa pinakabagong inisyatibo ay idinadaos ang donation drive ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ang tahanan at kabuhayan.

“Thousands of families are affected as Mayon Volcano continues to threaten communities in Albay with ashfall, volcanic earthquakes, lava flow, and lahar,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.

Sa datos ng Caritas Philippines ayon sa mga nakalap mula sa Department of Social Welfare and Development ay umabot sa 280-thousand na indibidwal na katumbas ng may 69-libong pamilya ang nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Nanatili din sa mga evacuation centers ngayong ang may 1,300 na pamilya kung saan layuning makapagpamahagi ng mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain at iba pang kagamuitan.

“Behind every number is a family forced to leave their homes and rebuild from uncertainty. In this difficult time, your generosity can bring food, shelter, and hope to those in need,” bahagi pa ng mensahe ng Caritas Philippines.

Sa panahon ng kalamidad ngayon, una ng umapela si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga Pilipino nang pagkakaisa upang higit na mapaigting ang pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong Biktima ng pagsabog ng Bulkang Mayon at lindol sa Eastern Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 3,615 total reads

 3,615 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 76,699 total reads

 76,699 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 163,198 total reads

 163,198 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 206,233 total reads

 206,233 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 255,825 total reads

 255,825 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top