Malnutrisyon at Kalusugan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,176 total reads

Sa panahon ngayon kung kailan matingkad na isyu ang food security o katiyakan sa pagkain, maaaring maging mas malala ang problema ng malnutrisyon at kalusugan sa ating bayan, lalo na sa mga bata.

Matagal na isyu na ang malnutrisyon sa Pilipinas, bunga na rin ng kahirapan ng maraming mga pamilyang Pilipino. Marami sa atin ang hindi nakakakain ng sapat at masustansyang pagkain. Maraming mga sanggol at kabataan ang hindi nakakain ng wasto. Ayon nga sa datos ng Social Weather Station, mga 2.7 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger nitong second quarter ng 2023 dahil sa kawalan ng pagkain.

Ang gutom ay malaki ang epekto sa kalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), persistent na ang malnutrition sa bayan, kaya nga halos di nagbabago ang ating stunting rate: nasa 27.6% o isa sa bawat apat na batang may edad lima pababa ay maliit para sa kanilang edad.

Kapanalig, ang problema ng malnutrisyon ay hindi lamang simpleng problema ng gutom. Malaki ang implikasyon nito sa kinabukasan ng mga bata pati ng ating bayan. Unang una, kapanalig, ang batang stunted at malnourished ay batang sakitin. Sa isang bayan gaya ng Pilipinas kung saan ang health care ay napakamahal, ang pagiging masakitin ay magtutulak pa lalo sa kahirapan sa maraming pamilyang Pilipino. Mahal ang konsultasyon, mahal ang lab tests, mahal ang gamot.

Sa mga remote areas pa ng ating bayan, hindi pa accessible ang health care. Maraming mga nayon, maraming mga indigenous areas, ang walang access sa mga health facilities. May mga pagkakataon na halos wala silang nakakaharap na health care professionals. At kung emergency, minsan mas lalong lumalala ang sakit dahil kailangan pang maglakbay ng ilang oras para lamang makakuha ng paunang lunas.

Ang chronic hunger at malnourishment, kapanalig, ay malaki rin ang epekto sa abilidad ng mga bata. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na maraming malnourished children ay may poor motor skills, hirap magsalita at makipag-communicate, at mas hirap umunawa at makisama. Kung malaking porsyento ng ating kabataan ang maapektuhan ng ganito dahil sa malnourishment, paano na ang kinabukasan nila?

Ang malnutrisyon at kalusugan sa Pilipinas ay isang isyung kailangan ng agarang aksyon. Ilang taon na ang problemang ito, pero hanggang ngayon, wala pa ring solusyon. Ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon ay hindi lamang isyung pantahanan, ito ay national issue. Ang malnutrisyon ay labag sa karapatan ng tao sa kalusugan. Sabi nga ni Pope Francis sa UN Food Systems Pre-Summit 2021: We produce enough food for all people, but many go without their daily bread … an offense that violates basic human rights… It is everyone’s duty to eliminate this injustice.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 56,400 total reads

 56,400 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 89,661 total reads

 89,661 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 191,487 total reads

 191,487 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 232,045 total reads

 232,045 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 250,285 total reads

 250,285 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 56,401 total reads

 56,401 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 89,662 total reads

 89,662 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 191,488 total reads

 191,488 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 232,046 total reads

 232,046 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top