Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ika-10 taon ng PCNE, gaganapin sa January ‘Salya: Let us cross to the other side’

SHARE THE TRUTH

 30,230 total views

Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-10 anibersaryo ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).

Ayon kay OPNE Director Fr. Jason Laguerta mahalaga ang sama-samang paglalakbay bilang pamayanang kristiyano ayon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na synodality.

Sinabi ng pari na pagninilayan sa unang dekada ng PCNE ang temang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Dagdag pa ni Fr. Laguerta na ito ay alinsunod din sa Traslacion Roadmap ng arkidiyosesis na unang inilunsad noong Abril na layong magiging gabay sa patuloy na paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Ang ‘roadmap’ ay hango sa Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ayon kay EDSA Shrine Rector at RCAM Public Affairs Ministry Commissioner Fr. Jerome Secillano ito ang hakbang ng arkidiyosesis na matulungan ang simbahan ng Maynila sa mga pagbabagong gagawin upang maisaayos at mapabuti ang paglilingkod sa mahigit tatlong milyong mananampalataya.

Isasagawa ang PCNE 10th conference sa January 19 hanggang 21, 2024 sa University of Santo Tomas.

Inaasahan ang pakikibahagi ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization sa pagtitipon kasama ang ilan pang opisyal ng Vatican.

Unang isinagawa ang PCNE noong 2013 sa pangunguna ni Cardinal Tagle na noo’y ang arsobispo ng arkidiyosesis bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng simbahang katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 43,049 total views

 43,049 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,530 total views

 80,530 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,525 total views

 112,525 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,264 total views

 157,264 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,210 total views

 180,210 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,467 total views

 7,467 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,039 total views

 18,039 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top