Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 154,364 total reads

Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente? 

Dito sa Metro Manila at mga karatig probinsya na sineserbisyuhan ng Meralco, maraming konsumer ang nabulagâ sa mataas na singil sa kuryente nitong Abril. “Bill shock,” ‘ika nga. Inaasahan naman na ang paglaki ng konsumo ngayong tag-init dahil mas matagal na nakabukás ang mga electric fan at aircon. Pero may mga konsumer na nagsabing ganito rin naman ang konsumo nila ng kuryente noong isang taon, pero sadyang malaki ang singil sa kanila sa parehong panahon ngayong taon. 

Paliwanag naman ng Meralco, ang pagtaas ng bill ngayong buwan ay dulot ng mas mataas na generation charge. Ang generation charge ay ang binabayaran natin para sa aktwal na produksyon ng kuryente at ang halaga ng pagbili ng mga power distributors, katulad ng Meralco, mula sa mga power generators. May epekto rin ang paghina ng piso laban sa dolyar. Dagdag pa ng Meralco, hindi pa sinasalamin ng pagtaas ng singil sa kuryente ang nagpapatuloy na krisis sa langis dahil na rin sa sigalot sa Middle East. Ibig sabihin ba nito, mas tataas pa ang singil ngayong Mayo?

Para sa Center for Energy, Ecology, and Development (o CEED), nakaugat ang problemang ito sa mga patakarang ipinapasa ang dagdag-gastos ng mga power generators sa mga ordinaryong konsumer. Matatagpuan ito sa mga tinatawag na pass-through provisions sa mga power agreements o kasunduan ng mga korporasyon sa gobyerno. Halimbawa, kung tataas ang presyo ng panggatong na ginagamit para lumikha ng kuryente, hindi ito ituturing ng mga kompanya na risk o panganib na dapat nilang paghandaan bilang mga negosyo. Sa halip, ipapasa nila ito sa mga konsumer. Nananatili ang kita ng mga korporasyon habang butás naman ang bulsa ng mga nakadepende sa kuryenteng nililikha at ibinebenta nila. 

Makatarungan ba ito sa inyong tingin, mga Kapanalig?

Paglilinaw naman ng Meralco, wala itong magagawa sa mga dagdag-singil sa kuryente. Tagakolekta lang daw ito ng mga bayaring ipinapataw ng gobyerno at ng mga pass-through costs. Hindi nga raw ito nagtataas ng singil para sa distribution nito ng kuryente mula pa noong 2022. Ang mga nakokolekta ng Meralco dahil sa mga pass-through provisions na ito ay ibinabayad naman daw sa mga power suppliers, mga grid operators, at sa gobyerno bilang buwis. Hindi raw kumikita ang Meralco sa mga ito, pero hindi rin naman sinasabi ng kompanya kung patas ang mga pass-through costs. Tila inihihiwalay ng Meralco ang sarili nito sa responsabilidad para sa mataas na bill sa kuryente. 

Matagal nang binubusisi ng mga grupong katulad ng CEED ang mga patakaran sa sektor ng enerhiya na mas pinapaboran ang mga korporasyon kaysa sa mga konsumer. Giit nila, kumikita ang mga kompanya sa pagnenegosyo ng kuryente, pero kapag panahon ng krisis, sa mga konsumer nila ipinapasa ang pasanin ng dagdag-gastos. Bagamat itinatakda ng batas ang mga pass-through provisions, hindi ibig sabihin na makatarungan ang mga ito. Parang ganito ang ipinahihiwatig sa 1 Corinto 10:23: malaya tayong gawin ang anuman at gawin itong ligal, pero hindi lahat ay nakabubuti, hindi lahat ay nakatutulong.

Sinasabi rin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na ang mga batas ng tao ay dapat na nakatuon sa pagsusulong ng tunay na mabuti. Kung negatibo ang dulot ng isang batas, dapat lang na kuwestyunin ito. Hindi natin maaasahan ang mga kompanyang tanging ang pagkita ang prayoridad na manguna sa pagtatanggol sa mga konsumer. 

Mga Kapanalig, hawak natin ang bill, pero hawak din natin ang kapangyarihang magtanong, mag-usisa, at humingi ng paliwanag sa gobyerno at mga kumikita sa serbisyong dapat lamang nating makamit bilang mga mamamayan. 

Sumainyo ang katotohanan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 4,733 total reads

 4,733 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 36,877 total reads

 36,877 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 102,935 total reads

 102,935 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 122,239 total reads

 122,239 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 200,366 total reads

 200,366 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mas malusog na Pilipino?

 4,734 total reads

 4,734 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 36,878 total reads

 36,878 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 102,936 total reads

 102,936 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 122,240 total reads

 122,240 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »
Scroll to Top