Dignidad ng bawat tao, iginiit ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,950 total views

Iginiit ni Pope Leo XIV ang dignidad ng bawat tao at ang panawagan sa mas inklusibong pamayanan sa kanyang pagninilay sa Regina Caeli sa St. Peter’s Square sa Vatican sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang pangako ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan kung saan ipinangako niya sa sangkatauhan na ang bawat isa ay may nakalaang tahanan.

“If I go and prepare a place for you, I will come again and will take you to myself, so that where I am, there you may be also. God has a place for everyone where there is room for all,” bahagi ng pagninilay ni Pope Leo XIV.

Sa kanyang mensahe, inilarawan ni Pope Leo ang kaibahan ng kasalukuyang daigdig at ng bagong buhay na kaloob sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

“Gratitude takes the place of competition; welcome overcomes exclusion; and abundance no longer entails inequality. No one is mistaken for someone else, and no one is lost,” ayon pa sa Santo Papa.
Iginiit din ng punong pastol na likas ang halaga ng bawat tao na kaakibat ng paglikha ng Diyos.

Babala ni Pope Leo sa mananampalataya ang kultura ng labis na paghahangad ng yaman at katanyagan at iginiit na dapat mas paigtingin ng tao ang ugnayan at pananampalataya ng tao sa Diyos.
Pinuna rin ng Santo Papa ang maling paniniwala ng sangkatauhan na ang dangal ay nakabatay sa estado ng lipunan.

“Have faith… That is the secret! It is precisely this faith that frees our hearts from the anxiety of possessing and acquiring. [It frees us] from the illusion that we must pursue a position of prestige to have worth,” giit ni Pope Leo XIV.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na isabuhay ang utos ng pag-ibig na lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan na nababalot sa iba’t ibang uri ng hamon, kabilang na ang mga nangyayaring digmaan at karahasan.

“By loving one another as Jesus has loved us… We anticipate heaven on earth and reveal to all that fraternity and peace are our calling,” aniya.

Samantala, kaugnay ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day, kinilala rin ni Pope Leo XIV ang kalagayan ng mga mamamahayag sa iba’t ibang panig ng mundo at inalala ang mga nasawi lalo na ang mga biktima ng karahasan.

“This right is often violated — sometimes blatantly, sometimes in more subtle ways. Let us remember the many journalists and reporters who have fallen victim to wars and violence,” saad ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,868 total views

 39,868 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 164,279 total views

 164,279 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,851 total views

 206,851 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 285,379 total views

 285,379 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top