Mananampalataya, inaanyayahan sa DACOM 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,465 total reads

Inaanyayahan ng Divine Mercy Apostolate ng Dicoese of Tandag ang mga mananampalataya na makibahagi sa ikatlong Diocesan Apostolic Congress on Mercy (DACOM) na gaganapin sa May 18 hanggang 19, 2026.

Alinsunod sa temang “Handum-Laum sa Kalooy sa Ginoo,” layunin ng pagtitipon na pag-alabin ang debosyon sa Banal na Awa ng Diyos at dalhin ang mga kalahok sa isang mas malalim na karanasan ng Kanyang pag-ibig at habag.

Hango sa pandaigdigang misyon ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM), itinuturing ang DACOM bilang mahalagang pagtitipon ng simbahan sa lokal na antas upang palaganapin ang mensahe ng Divine Mercy.

Tampok sa dalawang araw na programa ang banal na misa, Eucharistic adoration, mga makabuluhang talakayan, at mga patotoo ng pananampalataya na inaasahang magbibigay-inspirasyon at magpapatibay sa espiritwal na buhay ng mga dadalo.

Pangunahing magbibigay ng panayam sa pagtitipon sina Tandag Bishop Raul Dael; Exorcist Fr. Darwin Gitgano; at Sr. Pamela May Lonoy, MSM, na maghahatid ng mga pagninilay ukol sa awa ng Diyos at sa panawagang isabuhay ito sa pang-araw-araw.

Bukas ang pagtitipon sa lahat, kabataan, pamilya, at mga layko na nagnanais na maranasan ang pagbabagong dulot ng awa ng Diyos at maging instrumento ng habag sa lipunan.

Sa diwa ng paanyaya, hinihikayat ang mga mananampalataya na makiisa sa DACOM 2026 at tugunan ang panawagang maging maawain tulad ng Ama, bilang paghahanda sa mas aktibong pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,666 total reads

 33,666 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,551 total reads

 69,551 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 123,386 total reads

 123,386 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 185,286 total reads

 185,286 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,026 total reads

 253,026 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top