ACN, nanawagan ng pakikiisa sa Caravan for Peace and Soldarity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,504 total views

Umapela ang suporta at pakikiisa ang Aid to the Church in Need Philippines para sa “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi”.

Ayon kay ACN-Philippines National Director Maximus Ventura, ang naturang caravan na iikot sa 14 na mga arkidiyosesis sa buong bansa ay bahagi ng kampanya ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa upang mapalalim ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kalagayan ng mga inuusig na Kristiyano at makalikom ng suporta para sa muling pagtatayo ng pro-cathedral ng Prelatura ng Marawi.

Paliwanag ni Ventura, layunin ng caravan na maipabatid sa mga Pilipinong Katoliko ang naging epekto ng Marawi siege noong 2017, kung saan nasira ang lungsod kabilang ang katedral at ilang mga banal na imahen.

“Minarapat namin na magtulong-tulong tayong mga Katoliko dito sa Pilipinas na maitaguyod muli ang kathedral, pro-kathedral. In time po sa 50th anniversary ng Prelatura ng Marawi. Kaya ito pong karavan na ito, hinihikayat ito na magbigay kaalaman sa ating mga kapo-katoliko kung anong naganap sa Marawi at sana’y mahikayat silang magtumulong at sumuporta.” Bahagi ng pahayag ni Ventura sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin nito na tampok sa caravan ang naibalik na imahen ni “Our Lady Mary, Help of Christians” na winasak at pinugutan ng ulo noong kasagsagan ng kaguluhan sa Marawi.

Pagbabahagi ni Ventura naangkop ang pagsisimula ng “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” ngayong buwan ng Mayo na iniaalay sa Mahal na Birheng Maria at kasalukuyang pang nasa Easter season ang Simbahan upang ganap na maipakita sa bawat isa ang hatid na liwanag at pag-asa ng Mahal na Birheng Maria sa kabila ng kadilimang nararanasan

“Easter season pa po tayo. Pasko ng muling pagkabuhay. Pasko ng rebirth and renewal. At kaya nga po maganda itong paglulunsad ng caravan na ito sapagkat na restored din po natin yung image of Our Lady of Marawi, Mary, Help of Christians na dinesi-crate, pinugutan, binarel, butas-butas. Ngayon po ay naayos natin at ito po ay ating iiikot sa buong Pilipinas bilang simbolo ng bagong pag-asa. At magkaroon po ng liwanag sa likod ng kadiliman na siyang dinadala ng ating Mahal na Birhen.” Dagdag pa ni Ventura.

Nagsimula ang caravan sa Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng exhibit na binuksan sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral noong ika-26 ng Abril, 2026 hanggang ika-8 ng Mayo, 2026 bago magtungo sa 13 iba pang arkidiyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao na magtatapos sa Marawi sa Nobyembre kasabay ng ika-50 anibersaryo ng prelatura.

Hinimok din ni Ventura ang mga mananampalataya na makiisa sa panalangin para sa mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kabilang sa mga nakahanay na arkidiyosesis na bibisitahin ng Aid to the Church in Need Philippines “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” ang:

LUZON
1. Archdiocese of Manila (April 26, 2026 – May 8, 2026)
→ Manila Cathedral
Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
📍 Intramuros, Manila
2. Archdiocese of Tuguegarao (May 10, 2026 – May 17, 2026)
→ Saint Peter Metropolitan Cathedral
Saint Peter Metropolitan Cathedral
📍 Tuguegarao City, Cagayan
3. Archdiocese of Nueva Segovia (Vigan) (May 24, 2026 – May 31, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle
Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle
📍 Vigan City, Ilocos Sur
4. Archdiocese of Lingayen–Dagupan (June 7, 2026 – June 14, 2026)
→ Metropolitan Cathedral Parish of St. John the Evangelist
Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist
📍 Dagupan City, Pangasinan
5. Archdiocese of San Fernando (Pampanga) (June 21, 2026 – June 28, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of San Fernando
Metropolitan Cathedral of San Fernando
📍 City of San Fernando, Pampanga
6. Archdiocese of Lipa (July 5, 2026 – July 12, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of San Sebastian
Metropolitan Cathedral of San Sebastian
📍 Lipa City, Batangas
7. Archdiocese of Cáceres (Naga) (July 19, 2026 – July 26, 2026)
→ Naga Metropolitan Cathedral
Metropolitan Cathedral and Parish of St. John the Evangelist
📍 Naga City, Camarines Sur

VISAYAS
8. Archdiocese of Palo (Leyte) (August 2, 2026 – August 9, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration
Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration
📍 Palo, Leyte
9. Archdiocese of Cebu (August 16, 2026 – August 23, 2026)
→ Cebu Metropolitan Cathedral
The Metropolitan Cathedral of Cebu and Parish of Saint Vitalis of Milan
📍 Cebu City

MINDANAO
10. Archdiocese of Cagayan de Oro (August 30, 2026 – September 6, 2026)
→ Saint Augustine Metropolitan Cathedral
Saint Augustine Metropolitan Cathedral
📍 Cagayan de Oro City
11. Archdiocese of Davao (September 20, 2026 – September 27, 2026)
→ San Pedro Metropolitan Cathedral
San Pedro Metropolitan Cathedral
📍 Davao City
12. Archdiocese of Cotabato (October 4, 2026 – October 11, 2026)
→ Cathedral of the Immaculate Conception
Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
📍 Cotabato City, Maguindanao
13. Archdiocese of Zamboanga (October 18, 2026 – October 25, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
📍 La Purisima, Zamboanga City
14. Archdiocese of Ozamis (November 1, 2026 – November 8, 2026)
→ Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception
📍 Ozamiz City, Misamis Occidental
15. Prelature of Marawi (November 15, 2026)
→ St. Mary’s Cathedral
St. Mary’s Cathedral (Pro-Cathedral)
📍 Currently in Iligan City (due to displacement from Marawi)

Maaari ring maghatid ng in-kind donations sa tanggapan ng SAC-Legazpi sa Cathedral Compound sa Legazpi City.

Samantala, sa bisa ng Provincial Resolution, isinailalim sa state of calamity ang mga lungsod ng Legazpi, Tabaco, at Ligao, gayundin ang mga bayan ng Santo Domingo, Malilipot, Daraga, Guinobatan, at Camalig upang mapabilis ang disaster response at rehabilitation efforts.

Sa ilalim ng deklarasyon, maaari nang gamitin ng mga apektadong local government units ang kanilang Quick Response Fund at magpatupad ng price control measures at iba pang kinakailangang hakbang para sa mga apektadadong komunidad.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 1,103 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 1,211 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 54,682 total views

 54,682 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 125,959 total views

 125,959 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 157,241 total views

 157,241 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 189,257 total views

 189,257 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 338,618 total views

 338,618 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 6,373 total views

 6,373 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top